Tanod-tricycle driver, tinutugis sa pagmolestya ng 2 bata

LUNGSOD NG BAGUIO – Wanted ngayon ng kapulisan ang isang tanod sa Conner, Apayao na kasalukuyang nagtatago matapos na maiulat ang diumano ay pangmomolestya nito ng isang 10-anyos na babae dalawang taon na ang nakaraan at panggagahasa sa isang 8-anyos na babae noong Oktubre 2016.
Si Bobby Cudiyen, 47, Barangay Peace Action Team (BPAT) member at tricycle driver mula sa Ili sa Conner, Apayao, ay tinutugis pa rin ng mga pulis.
Diumano ay naganap ang panggagahasa sa 8-anyos na bata noong Agosto 2015 sa isang mapunong lugar sa Baricawen, kung saan dapat sana ay tumutulong sa “peace and order” ang suspek.
Napag-alaman ng pulis na hinila ng suspek ang biktima mula sa national highway papunta sa mapunong lugar at dito ginahasa ang bata. Matapos ang insidente ay nagawa pang samahan ng suspek ang biktima pauwi.
Dinala ang biktima sa Rural Health Unit ng bayan para sa medico legal examination habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagpila ng kasong rape sa supek.
Nalaman din ng pulis na noong Oktubre 20 noong nakaraang taon ay nilamas ng suspek ang ari ng isang 10 anyos nang binuhat ito para itawid sa ilog.
Ang ina, kasama ang bata, ay nagpunta sa Conner police station upang iulat ang insidente. ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon