Sandamukal na ang mga katanungan sa bawat nabubulgar na mga kaganapan sa ating lipunan ngayon. Sangkatirba naman ang mga naghihintay ng kasagutan. Nakakalito sa mamamayan kung ano at alin ba ang tama at mali? Sino ang dapat paniwalaan lalo na sa pag-iral ng mga pekeng balita o “fake news”? Kamakailan, umupak si Pangulong Bongbong kontra sa mga nagsusulputang mga pekeng balita. Balita na mas masama ang epekto dahil konsensiyensiya ang kumakain.
Kaya nga’t nanawagan si Pangulong Bongbong sa mga nagkakalat ng mga pekeng balita. At maging mapanuri din sana ang mga mamamayan sa mga naglalabasang “fake news” lalon lalo sa mga patungkol sa West Philippine Sea.
Kamakailan, sa budget hearing ng House of Congress para sa hiling na pondo o budget para sa Office of the Vice
President, nagkairingan ang mga kongresista at besi dahil sa hiling na pondo ng OVP ay tumataginting na P2Bilyon samantalang hindi pa naipapaliwanag ni VP Sara kung saan niya nagasta ang 2024 pondo ng kanyang opisina na umaabot sa P125milyong peso.
Nagasta raw kasi ito sa loob lamang na onse dias. Uminit ang upuan ng mga dumalong opisyal nang patutsadahan ni VP Sara si ACT Teacher Partylist Rep. France Castro. Bakit daw ito (Castro) naroroon sa hearing samantalang na-convict na raw ito sa “child abuse issue”? Balibag naman ni Castro na si VP Sara daw ay isang “Pusit”, “pusit” dahil naglalabas ng “tinta” kapag nasusukol. Posible raw na mahaharap sa kasong “treason” (pagtataksil sa bayan) si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng kanyang panawagan sa taumbayan na maglunsad ng “people power” para ibagsakang administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos Jr. Ayon kay Manila Rep. Bienvenido
Abante Jr., hindi dapat ganito ang mangyayari kahit pa may ayaw ka sa ginagawa ng gobyerno.
Naganap na kasi ang “people power” noon. Ayon sa Chairman ng House Committee on Peace and Safety na maari daw macontempt muli si Roque. Utak kaya ni Roque ang naturang panawagan o may nagdidikta sa kanyang likuran? Ano talaga ang kanyang motibo? Sa isyu naman ng mga taong pinaghahanap ng batas…(Teves, Bantag, Quibuloy, at Guo) ano na ang kaganapan? Tutok ngayon ang mga imbestigador sa dalawang mabibigat na iniimbestigahan: isyu kay dating Mayor Alice Guo na sinasabing nasa ibang bansa na at si Pastor Quibuloy na sinasabing nasa “ilalim daw
lupa” o “bunker”.
Nahuli na ang isang Sheila Guo na kasama ni Alice Guo sa ibayong dagat. Inamin niyang hindi niya tunay na kapatid si Alice at isinama lang daw siya nang sila’y tumakas. Sabi ng mga analysts: malaki ang maitutulong ni Sheila para
maibalik sa Pilipinas si Alice Guo at panagutin sa kanyang mga krimeng kinasasangkutan lalo na sa operasyon ng POGO. Sa isyu naman ni Pastor Quibuloy, kahit sinasabi ng PNP na malapit na daw nilang masukol ito….hindi
pa rin kumbinsido si Juan dela Cruz, “diak pati, diak kita”. Ang tanong: kailan sila (Guo/ Quibuloy) mahuhuli? Baka
humahalak lang sila dahil KAPOY KAYO NGAMIN. Adios mi amor, ciao, mabalos
August 31, 2024
August 31, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
August 31, 2024