BAGUIO CITY –
Inilunsad ng Department of Education (DepEd)- Baguio City ang makabagong pamamaraan na naglalayong mas mapabuti ang pagbabasa ng mga estudyante sa programang ‘TARA, BASA!’.
Isinagawa ang nasabing educational initiative noong Linggo, Agosto 13, na unang isinagawa sa San Luis Elementary School. Mainit itong tinanggap ng paalan sa pamumuno ni School Principal Marcial Lami-ing, na siya mismong naghikayat sa mga mag aaral na nasasabik na sumabak sa pagbabasa sa pamamagitan ng ‘TARA, BASA!’ tutoring program.
Sa tulong ng Supreme Pupil Government Organization (SPG), at ng volunteer na mga guro at Parent Teacher Association, ang unang araw ng ‘TARA, BASA!’ na ginanap noong Lunes, Agosto 14, ay naging kapana-panabik para sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbabasa. Nakatakdang tumakbo ang programa sa lungsod mula Agosto 14 hanggang 25 at tuwing Sabado mula Setyembre
2 hanggang Nobyembre 11 sa mga itinalagang pampublikong paaralan sa lungsod, ayon sa
inanunsyo ng school’s division sa ilalim ng Officer in Charge Schools Division Superintendent na si Soraya Faculo.
Ayon sa schools division, mabuti na ang implementasyon ng programang ito sa lungsod ay natupad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DepEdBaguio City, Ateneo de Manila, at iba’t ibang unibersidad sa lungsod. Dagdag pa nila, isang orientation ang isinagawa ni Carmela Oracion ng Ateneo noong Agosto 7 upang matiyak ang tagumpay ng programa. Pinuri rin ng schools division ang aktibong partisipasyon ng mga guro at boluntaryo sa pampublikong paaralan ng DepEd-Baguio
mula sa University of the Cordilleras, Saint Louis University, University of Baguio, at ng PTA. Aniya, nagpapakita ito ng matatag na layunin sa pagpapabuti ng literasiya at edukasyon sa lungsod.
John Mark Malitao/UC-Intern/ABN
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025