Tatay tinaga ni nanay sa Ifugao

La Trinidad, Benguet – Galit ang isang nanay na tumaga sa asawa noong gabi ng September 25 sa Mayoyao, Ifugao pagkatapos ng mainit na alitan tungkol sa diumano’y kalaguyo ng nanay.
Iniulat na tinaga ng suspek na si Norma Iguan, 42, ang asawang biktima na si Salvador na palaging ipinipilit na may itinatago siyang kalaguyo.
Isang matinding alitan ang naganap sa mag-asawa kung saan itinutulak at sinasakal ng biktima ang suspek, na nagluluto, ngunit nadampot ng suspek ang itak at tinaga ang biktima.
Nang makita ng suspek ang dugong tumagas mula sa ulo ng biktima ay agad itong humingi ng saklolo sa mga kapitbahay at dinala ang duguang biktima sa Mayoyao District Hospital, at kalaunan ay inilipat naman sa Veterans General Hospital sa Ifugao.
Sinabi ng suspek sa mga pulis na nawala siya sa tamang pag-iisip nang madampot niya ang itak at ipinangtaga sa asawa. ACE ALEGRE

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon