Tatlo katao naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon

BAGUIO CITY – Sa kabila ng maigting na kampanya ng local na gobyerno ng Baguio at ng Department of Health sa mga tao na iwasan ang paggamit ng anumang paputok sa pagsalubong sa bagong taon ay tatlo katao ang naiulat na naputukan noong gabi ng Disyembre 31, 2019 .

At dahil dito nabigo ang syudad na gawing zero – casualty ang taong 2020 na kung saan ay zero casualty noong pagsalubong ng 2019. Ayon sa paliwanang ni Dra. Rowena Galpo dalawa sa tatlong biktima aniya ay hindi “direct” na sila ang gumamit ng paputok kundi sila ay natamaan lamang maliban sa isang baktima.

Nsa edad 6 , 23 at 61 anyos ang mga naging biktima ani Galpo. Ang dalawang biktima ay taga baranagy San Carlos Heights na natamaan aniya ng kwitis at ang isa naman ay taga Bakakeng Norte na naglaro ng luces.

“Only one victim was under the influence of liquor”, ani Galpo . Ang dalawang taga San Carlos Heights ay dinala sa isang ospital at gad na nilapatan ng lunas at pinauwi rin ang mga ito. Ang isa naman ay dinala sa isang pribadong ospital.

Ani Galpo, “The city maintained its long-running stand to discourage the sale and use of firecrackers and instead mounted community activities for the revelry”.

Idinagdag pa ni Galpo na ang syudad ay mayroong Ordinansa na nagbabawal ng paggamit ng mga paputok sa tuwing sasalubungin ang bagong taon, subalit aniya patuloy pa rin nilang ikakalap sa mga taga Baguio na dapat sundin ang ordinansa upang maiwasan ang anumang disgrasya sa katawan o maging sanhi ng kamatayan.

Aileen P. Refuerzo/ABN

Amianan Balita Ngayon