Tatlong araw na pagpaplano ng GAD sa Tublay, tagumpay

TUBLAY, BENGUET – Payapa at tagumpay na nagtapos ang tatlong araw na workshop training ng kinatawan ng mga departamento ng munisipyo ng Tublay noong Marso 21 hanggang 23 na kung saan ay dinaluhan rin ito ng ilang officials ng walong barangay at pakikipagtulungan ng ilang ahensya ng gobyerno.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD PDOs) ay tinalakay ang higit na kaalaman sa gender inequities at gender gap, ang batas at iba pang mga patakaran dahil ang DSWD ay may sariling gender policy kaya itinuturo dito kung paano maipapairal ang pang-unawa para sa bawat isa, pamilya at sambahayan at kung paano ang pagtatasa ng kasarian at dibisyon sa paggawa.

Itinuro dito kung paano ang pagdadala ng pamumuno at pag-unawa sa sarili bilang isang lider na malayang mapag-aaralan ang mga sistema at magkaroon ng malawak na pananaw na maging gabay sa minimithing layunin.

Sa pangunguna ni Tublay Mayor Armando Lauro ay hinihikayat niya ang lahat ng barangays na makisama at makiisa para puspusang maisagawa at maipatupad ang mga proyekto sa mga barangay na nasasakupan nito.

Sa panayam ng ABN kay Mayor Lauro, “I am happy that in each barangay officials here in our municipal is very supportive to participate in this Gender and Development for Planning and budgeting workshop training, at siguro kailangan din naming magkaroon ng pondo para sa mga pangangailangan ng aming mga proyekto kaya maging ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay naging panauhin namin bilang speaker na magtuturo rin sa amin kung ano ang magiging assessment ng gender organization at services and also the gender mainstreaming evaluation framework, the gender responsive of LGUs and harmonized gender and development guideline.”

“In the presence also of the representative region of the Department of Budget Management ay itinuro rin sa amin kung paano ang maging gender responsive planning and budgeting,” aniya.

Dagdag pa ng mayor, “May ordinansa kami ipinapa-implement sa GAD na kailangan may mai-allot na 5percent na general appropriation act ang GAD dahil nagagamit ito sa mga pathways road at railing. Aware naman ang mga residente sa aming pamamalakad, nagkakaisa maging ang mga kababaihan ay halos sila ang nangunguna para magkaron ng pangkabuhayan ang bawat pamilya sa mga barangays sa tulong na rin ng DSWD ay nagpapasalamat ako sa patuloy na pagsuporta sa amin.” ABN

Amianan Balita Ngayon