Tatlong drug dealers, timbog

Police Patrol

La Trinidad, Benguet – Timbog ang tatlong drug dealers kabilang ang diumano’y miyembro ng Abra drug syndicate sa isinagawang sting operation.

Nahuli ng anti-narcotics agents ng PDEA Regional Office in the Cordillera sa pangunguna ni Director Edgar Apalla at iba local police sina Eddie Mar Donato Bayle alias “Abbet”, 31, diumano’y nasa watch-listed drug personality at diumano’y miyembro ng Dumlao Drug Group; Regienald Bilgera Acena, 22; at Majal Camdao Almazan, 20; sa kahabaan ng Abra River Quarry Area sa Barangay Calaba, Bangued noong July 23.

Isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at timbang na mahigit isang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P5,000; dalawang piraso ng bukas na transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu residue; apat na piraso ng used foils; at dalawang lighter ang nasamsam mula sa tatlong suspek kabilang ang isang pulang Lenovo android cellphone na ginamit sa drug transaction sa ginawang sting operation; at buy-bust money.

Ang tatlo ay nahaharap sa kaso ng illegal na droga. ACE ALEGRE