LA TRINIDAD, Benguet
Nalambat sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya ang tatlong drug pusher at nahulihan ng P39,984 halaga ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Benguet at Baguio City, noong Agosto 27. Sa Bokod, Benguet, isang 26-anyos na HVI ang nahuli sa Barangay Poblacion sa isinagawang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ng Benguet PPO, sa pakikipag-ugnayan sa Bokod Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit. 14.
Tinatayang nasa 3.38 gramo ng shabu na may SDP na P22,984.00 ang nasamsam sa operasyon. Sa Baguio City, nahuli ang isang 38-anyos na HVI sa Barangay San Luis matapos mahuling nagbebenta ng humigit-kumulang 1.5 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P10,200.00. Naging matagumpay ang operasyon sa pinagsamang pagsisikap ng Baguio City Police Office, Regional Intelligence Unit-14, Regional Mobile Force Battalion 15, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kasabay nito, naaresto din ang isang 30-anyos na SLI sa Barangay Outlook Drive matapos mahuli sa pagbebenta ng humigit-kumulang isang gramo ng shabu na may SDP na PhP6,800.00. Lahat ng mga inarestong indibidwal at kinukuha ang mga ebidensya ay dinala sa kani kanilang arresting units para sa dokumentasyon at tamang
disposisyon, habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002, laban sa mga suspek.
Ang matagumpay na mga operasyon ay nagpapakita ng hindi natitinag na pangako ng PRO-CAR sa paglaban sa
kalakalan ng ilegal na droga sa rehiyon at pagtiyak sa kaligtasan at kagalingan ng mga komunidad nito.
Zaldy Comanda/ABN
August 31, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024