Taxi at motor, nagsalpukan

LUNGSOD NG BAGUIO – Dalawang sasakyan ang nagbanggaan bandang 2:15 ng hapon sa Dontogan, Green Valley, Baguio City noong Marso 7, 2017.
Nagsimula ang insidente nang ang Mitsubishi Adventure na taxi na may plakang AYU-580, minamaneho ni Ben Moguil, 35 anyos, na ang ruta ay papuntang Palipis Highway ay biglang sinakop ang kabilang linya na naging dahilan ng pagsalpok nito sa motorsiklo na Kawasaki na ang plaka ay for registration pa lamang at minamaneho ni John Vergara, 24 anyos.
Ang parehong sasakyan ay nagtamasa ng pagkasira habang ang drayber ng motorsiklo ay sugatan at dinala sa Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC) para gamutin. Melanie Z. Dela Cruz, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon