TAXI DRAYBER HULI SA DRUG BUST SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Isang taxi driver na nakalista bilang High Value Individual drug personality ang nadakip ng mga tauhan ng Baguio City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), matapos ang
buy-bust operation sa kanyang inuupahang bahay sa Middle Quezon Hill, Baguio City noong Hunyo 27. Kinilala ang naarestong drug personality na si Romer Marquez Ramos, 38, at pinaniniwalaang miyembro ng isang drug group.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na humigitkumulang 4 gramo ang bigat na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na P27,200.00; isang improvised tooter na
naglalaman ng mga likidong bakas ng hinihinalang shabu; buy-bust money, assorted cash money sa iba’t ibang denominasyon na may kabuuang P6,030.00; driver’s license card, at isang cellphone.

Ang pagmamarka at pagimbentaryo ng mga nakumpiskang piraso ng ebidensya ay isinagawa on-site sa presensya ng mga naarestong suspek at nararapat na sinaksihan ng isang kinatawan mula sa Department of Justice at isang opisyal ng barangay. Nahaharap ngayon ang suspek sa mga reklamong kriminal na paglabag sa Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon