Taxi driver at tatlo pa, huli sa droga

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang isang taxi driver at kasama nito matapos mahuling nagbebenta ng shabu, Martes ng gabi sa Barangay Campo Filipino, Baguio City.
Nakorner ang isang 48-anyos na ginang at kaniyang kasamang driver na hayagang nagbebenta ng shabu.
Ang suspek na si Leonardo Mayao, alias “Gringo”, 30 anyos, taxi driver, mula Bobon, Virac, Itogon, Benguet ay arestado kabilang ang electrician na si Lowell Martin, 35 anyos, mula Loakan Liwanag, Baguio City, sa pagbebenta ng shabu na nagkakahalaga ng P5,000.
Dinala rin ng mga tauhan ng PDEA-Cordillera ang sasakyang taxi bilang ebidensiya maliban sa buy-bust money at mobile phone.
Sa parehong araw, nahuli rin ng mga tauhan ng PDEA-Cordillera at Ilocos region ang isang 48-anyos na ginang na si Loida Bulangen Cabbigat, tubong Ifugao, na hayagang nagbebenta ng shabu sa pamamagitan ng cellphone sa isang nagpanggap na buyer sa Barangay A Bonifacio-Caguioa-Rimando.
Matapos maisara ang transaksiyon, pumayag si Cabbigat na makipagkita sa isang local gas station kung saan inihatid ang suspek ng isang pick-up truck na minamaneho ni Frederick Lucas Espada, 44-anyos, ayon sa PDEA-Cordillera.
Nang mapatunayan ng mga law enforcers ang ipinagbabawal na droga, inihudyat naman ang pag-aresto sa dalawa.
Binasahan ng kanilang karapatan sina Cabbigat at Espada bago dinala sa PDEA-Cordillera Regional Headquarters dahil sa paglabag ng Section 5, o Selling of Illegal Drugs na may parusang life imprisonment at may multang P500,000 hanggang P10milyon; at Section 12 o Possession of equipment, instrument, apparatus and other paraphernalia for dangerous drugs of the comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ihahain laban sa kanila.
Isang sachet ng shabu na may tinatayang bigat na .5 grams, cellular phone na ginamit sa transaksiyon at utility truck na ginamit sa pagdeliver ng items ang nasamsam kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia. ACE ALEGRE

Sense of duty

Amianan Balita Ngayon