TAXI NABAGSAKAN NG SANGA NG PUNO, PASAHERO PATAY

BAGUIO CITY – Patay ang isang call center, samantalang sugatan naman ang dalawang kamaganak nito, matapos mabagsakan ng old Pine tree ang kanilang sinasakyang taxi sa may Kennon Road,Camp 8, Baguio City,noong hapon ng Biyernes,Hulyo 23, habang kasagsagan ng malakas na ulan at hangin, dulot ng habagat at bagyong Fabian.
Nabatid kay Baguio City Police Office Director Glen Lonogan, ang biktimang si Esmerelda Suriaga,39, call center agent, single, ay idineklarang dead on arrival sa Baguio General Hospital and Medical Center, dulot ng masentro ang punong bumagsak sa kanyang kinauupuan.
Ang kamag-anak nitong si Samuel Suriaga,29, ay under stable condition sa tianmong sugat, samantalang si Wilfredo Suriaga,63, ay nakalabas na ng ospital sa tinamong slight injuries at drayber na si Mizon Arucan Galano,33, ay nakaligtas sa aksidente.
Sa imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng Mitsubishi Adventure Taxi with trade name AR-ANNE at may plakang AYU -71, ay galling sa Camp 7 patungong city proper.
Si Samuel ay nakaupo sa front seat passenger’s side, samantalang si Wilfredo ay nakaupo sa may ikalawang upuan likod ng drayber at si Esmerelda ay nakaupo sa right-side ng ikalawang upuan.
Ang kanilang sasakyan ay paakyat na sa may Kennon Road Camp 8, ilang metro ang layo sa intersection ng Baguio Medical Center, nang biglang bumagsak ang matandang Pine tree, dakong alas 3:15 ng hapon at grabeng tinamaan ang right side na kinauupuan ng biktima.
Zaldy Comanda/ABN
—-
 

Amianan Balita Ngayon