TB CARAVAN PROGRAM ISINAGAWA SA LA TRINIDAD

LA TRINIDAD

Nagsagawa ng TB Caravan program ang Municipal Health Services Office, katuwang Provincial
Health Office at ang non-government organization na Philippine Business for Social Progress (PBSB) sa makatulong sa mga taong may posibilidad at positibo sa tuberculosis na ginanap sa La Trinidad Municipal gym, noong Marso 21. Ang TB Caravan ay parte ng TB day na ginagaganap
tuwing Marso 24, para idaos ang pagiging malaya sa tuberculosis, magkaroon ng ligtas na kalusugan at matigil ang estigma pagdating sa tuberculosis.

Ang programa na ito ay ang pag-iikot ng mga partnership sa mga municipalities sa paraang
pagbibigay ng libreng X-ray check-up at libreng pagamutan sa mga taong lantad sa tuberculosis.
Ang mga kagamitan ay ini-sponsored ng Philippine Business for Social Progress (PBSB) katulad lamang ng X-ray van. Sa nakaraang okasyon ay nagbigay ng 100 slots ngunit mahigit sa 200 ang nagpunta kaya naman ngayong 2023 ay 250 slots ang binigay at 67% o estimated 179 na katao ang
dumagsa sa TB caravan.

Ang resulta ay makuhuha sa loob ng 72 na oras at ang initial na positibo ay humigit kulang 18 na katao mula sa 179 na pumunta. “Majority na napansin namin kanina is adults, marami rin tayong seniors and then workers, marami rami din tayong estudyante.” ayon kay Kevin Osit, Nurse 1 at National TB coordinator. Para sa susunod na proyekto ay sakaling magaganap ngayong Agosto
“Hinati-hati yung celebration related sa TB, lungs and smoking. So ngayong march is part ng World TB day and sa August will be lungs “Lung awareness month” or “Lung month” and tignan natin for
three slots for August” dagdag pa niya.

Francis Jay Alipio-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon