Tech4ED Center, inilunsad sa Baguio library

Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ang Tech4ED Center sa Baguio City Library, Burnham Park bilang bahagi ng kanilang nationwide program.
Ang Tech4ED ay kumakatawan sa Technology Empowerment for Education, Employment, Entrepreneurship at Economic Development.
Ani DICT regional coordinator Emil Aboy, ang center ay magsisilbing knowledge area na nagtataguyod ng digital literacy, business hubs at delivery channels ng government services para sa out-of-school youth at adults, senior citizens, overseas Filipino workers at kamag-anak, persons with disabilities, teachers, students, women, indigenous people at ang publiko.
“A project component of the DICT is focused on the use of ICT aimed to enable equal opportunities  for the underserved and marginalized communities of the country’s rural and urban areas, empowering people towards a better life, transforming lives, making an impact and solving issues like the digital divide, educational disparity, unemployment, inadequate opportunities, and exclusive growth,” hayag ni Aboy.
Sinabi pa ni Aboy na ang ICT ay kabuuan ng anumang electronic means upang ma-access, makagawa, makolekta, maitago, maiproseso, matanggap, mapadala, maipakita at maikalat ang anumang datos o impormasyon.
Ang Tech4ED Center ay may ICT equipment tulad ng computers na may internet connectivity na ibinigay upang ma-access ang Tech4ED platform na mayroong iba’t ibang sangay. Ang bawat sangay ay may bahagi na layuning linangin at mapahusay ang iba’t ibang antas ng kaalaman at kasanayang kakayahan ng iba’t ibang sangay ng sosyodad lalo ng un-served at underserved.
Ang mga sangay ay kinabibilangan ng eGovServ na nagbibigay ng koneksyon sa government services at application forms; nilalayon ng eAssist na bigyang kapangyarihan ang mga espesyal na sektor sa pamamagitan ng pag-access sa mga kinakailangang nilalaman ng kasanayan sa pagsasanay bilang sagot sa mga partikular na pangangailangan sa industriya; eEduSkills ay naghahatid ng e-learning kapag hinihiling upang tugunan ang paghati-hati ng edukasyon; ang eAgri ay nagbibigay ng mga nilalaman at serbisyo sa teknolohiya sa agrikultura para sa mga magsasaka at mangingisda; ang eMarketPlace ay nagbibigay ng mas malawak na abot sa pamilihan lampas sa komunidad ng mga negosyante para sa pagpapalawak ng pang-ekonomiyang pag-unlad at mga pagkakataon; at marami pang iba.
Pinuri nina Secretary to the Mayor Raffy Tallocoy at acting city librarian Fe Requilman ang proyekto at hinimok ang publiko na gamitin ang libreng serbisyo ng center. Pinaalalahanan din nila ang lahat na maging responsible netizens sa paggamit ng teknolohiya. GABY KEITH / ABN

Amianan Balita Ngayon