TUBA, BENGUET – Tutulong ang Department of Agriculture (DA) na mapondohan ang pagtatatag ng isang technology-based piggery farm sa tatlong ektaryang lupa na pag-aari ng gobyerno sa barangay Nangalisan, Tuba, Benguet sa susunod na apat na buwan na magsisilbing relocation site ng lahat ng piggery owners sa lungsod dahil sa pinaigting na kampanya ng departamento at ng lokal na gobyerno na pahintuin ang pag-aalaga ng mga baboy sa lungsod.
Inihayag ni Mayor Benjamin Magalong na nangako si DA secretary Manny Piñol na gagawan ng paraan ang pagpapalabas ng PhP10 milyon bilang umpisang capital sa kooperatiba na bubuuin ng piggery owners mula sa Baguio at Tuba sa pagpapatayo ng technologybased piggery farm habang isa pang PhP10 milyon ang ilalaan upang gawin ang farm-tomarket road papunta sa lugar ng ipinanukalang piggery.
Kamakailan ay nakipagkita si Magalong sa mga apektadong nag-aalaga ng mga baboy mula sa lungsod at mga miyembro ng Tuba municipal council upang pag-usapan ang groundwork sa pagtatayo ng technology-based piggery farm na magiging kumpleto sa kinakailangang amenities para sa contract growing ng mga baboy na magkakaroon ng isang sustainable market.
Sinabihan ni Mayor ang mga may-ari ng babuyan sa lungsod na kung maibenta na ang kanilang mga alagang baboy ay wala ng rason upang mag-alaga pa sila ng mas marami dahil sa napipintong pagpapatigil sa lahat ng babuyan sa lungsod dahil ito ay ipinagbabawal ng batas sa ilalim ng umiiral na mga batas, alituntunin at regulasyon.
Ayon sa kaniya, isa sa dahilan sa pagpapahinto ng mga operasyon ng babuyan sa lungsod ay ang katotohanang may mga ilang babuyan ang nadiskubreng nagtatapon ng mga dumi sa iba’t-ibang river systems na dahilan ng pagtaas ng coliform level sa Balili at Bued river sa normal na lebelo.
Una dito ay hiniling ng dating pamunuan ng Environmental Management Bureau (EMB-CAR) office sa mga lokal na nag-aalaga ng baboy na magkaroon ng sariling septic tanks upang mapigilan ang direktang pagtatapon ng dumi sa river systems subalit ilan sa mga nag-aalaga ng baboy ay hindi tumugon sa naunang kasunduan na nagtulak sa ahensiya na iutos ang total ban ng operasyon ng piggeries sa lungsod alinsunod sa umiiral na mga batas, alituntunin at regulasyon na nagbabawal sa presensiya ng babuyan sa highly urbanized cities.
Sa ilalim ng contract growing concept, ang maoorganisang kooperatiba ay kinakailangang magalaga ng tiyak na bilang ng baboy sa isang takdang panahon at maibenta ito sa isang garantisadong buyer kung saan makikinabang din ang mga miyembro ng grupo.
Hinikayat ni Magalong ang lubos na kooperasyon ng mga nag-aalaga ng baboy sa lungsod sa planong pagtatatag ng isang technology-based piggery farm upang mapanatili nila ang kanilang kabuhayan dahil ayaw ng lokal na gobyerno na matigil ang kanilang kabuhayan bagkus ay mabigyan sila ng alternatibo na patuloy na kumita sa pag-aalaga ng baboy.
Ang technology-based piggery farm ay bubuuin ng air-conditioned pig pens na may computerized operations at iba pang amenities upang masiguro ang state-of-the-art na operasyon nito.
DAS-PIO/PMCJr.-ABN
July 21, 2019
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024