Ten wheeler truck, narekober

Narekober ang diumano’y nawawalang Isuzu ten wheeler truck na may plakang RHU 939 bandang 12:30am ng July 4, 2017 sa Shilan La Trinidad, Benguet.
Ang nasabing truck ay kamakailang nahuli at na-impound ng Buguias MPS personnel sa isang checkpoint noong June 29, kung saan naglalaman ng sako-sakong mine ore nang walang permit kung kaya’t pinilahan ng kasong Violation of RA 7942 (Philippine Mining Act) laban sa isang driver at helper nito.
Ang truck ay naiturn-over sa Buguias CENRO. Noong July 3, iniulat ni Environmental Management Specialist 1 Benny Pisnek, personnel ng CENRO Buguias, sa Buguias MPS na ang nasabing truck diumano ay nawawala.
Sa imbestigasyon, ipinarada ni Pisnek ang truck sa Bekes, Buyacaoan, Buguias, Benguet at diumano’y hindi binantayan hanggang nalaman itong nawawala.
Ang narekober na truck ay inihatid sa DENR Impounding Area sa Km. 21, Atok, Benguet at tinanggap ni Oliver Billango, personnel ng CENRO, bilang kahilingan ng CENRO Buguias.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon