NITONG MGA HULING araw, muling nasubukan ang katatagan ng Baguio sa gitna ng bagyong Carina na pinalakas pa ng Habagat. Dalawa o tatlong araw na hinambalos ang lungsod. Walang puknat na ulan ang bumuhos, na
sinabayan pa ng nakabibinging hangin. Kaya naman, tigil putukan muna sa pulitika. Ayuda muna, lalo na sa mga tradisyunal ng umaasa sa anumang maitutulong. Kaya naman nitong mga huling araw, ang mga sinasabing
namumugto ang mga mata sa hangaring pulitika, lalo pang pinag-ibayo ang mga pagbibigay ng pera, ng grocery bag, ng mga school supply – madani lamang na sa panahon ng kagipitan, sila ay hindi pahuhuli sa pansitan.
Hindi maikakaila na halos isang taon pa ang susunod na eleksyon. Hindi rin kataka-taka na sa larong pulitika, iba na ang maagap sa masipag. Pulitika na nga ang usap-usapan kung saan-saan man. Mantakin natin na sa Oktubre pa ang pag-sumite ng kandidarura sa halalang Mayo 2025. Tatlong buwan pang bubunuin bago opisyal ng masasabi na kasali sila sa mga pagpipilian. Sa mga nagbabalak, ilang buwan lang iyan. Magkakaalaman na. Sabihin ng maaga pa pero pag pulitika ang tema ng usapan, walang Duda na walang maaga. Iba na nga naman ang nauna, ang maagap
kaysa maaga. Di ba daig ng maagap ang masipag?
Sa pagka-Mayor, tanggap na ng sambayanan na muling tatakbo si Benjie Magalong. Huling 3 taong termino nya at nungka nangyari na tumaob ang bangkang sinasakyan. Pero, dahil sa huling taon na ni Congressman Mark Go,
matunog ang ngalan nya bilang kandidato para sungkitin ang mayorship ng lungsod. Sabi ng mga nagmamarunong, magandang laban ang Magalong kontra Go. Meron ng slogan si Yorme: Go Magalong! Sa Kongreso, pinag-uusapan
din ang mga bagong mukha ng mga kandidato daw. Bagong mukha pero lumang pangalan.
Tumaas ang kilay ng mga political armchair analyst ng gumulantang ang mga sinasabing salpukan sa labanang kongreso. Sa ngayon, ay matunog ang ngalang Sol Go, ang butihing maybahay ni Rep. Mark. Siya ang sinasabing haharap bilang kandidato sa upuang iiwan ng kanyang esposo. Ngayon pa lang, ay pinaguusapan na mga
nagnanasang tatakbo rin pagka Kongresista. Ang mga matagal na sa panunungkulan ay matunog na haharap muli sa taong bayan: sina Atty Morris Domogan at Atty Nicasio Aliping – mga batikang lider na ang mga ngalan ay may halaga pa rin.
Meron ding pumailanlang na ngalan na sinasabing may dalang epekto sa mga nangunguna sa karera. Pangunahin sa mga sorpresang pangalan ay si Gladys Vergara, anak ng retiradong political leader na si Bernie Vergara- 12ng taong Kongresista at 3ng taong City Mayor. Sa ngayon, ang lahat ay haka haka pa rin. Wala pang gaanong kumpirmasyon, gayong ang mga pangalan na Sol Go, Morris Domogan, Nic Alipin, at Gladys Vergara ay mga parandam at oabulpng.
Hindi rin maikakaila ang pagtaas ng kilay sa larong pulitikang binubuo ngayon pa lang.
Mayroong Vergara na sasabak para sa Kongreso. Pagpapatuloy daw ito ng mga dekadang serbisyo para sa Baguio – mula pa taong 1998 bilang Congressman hanggang 2001, at naging Mayor 2001 hanggang 2004; at nakabalik bilang
Congressman noong 2010. Go Magalong na labanan para sa City Hall? Go Vergara naman para sa Kongreso? O magbabago pa ba ang larawan ating nakikita sa ngayon? Kung tutuusin, hindi lang pulitika ang bumubuhay sa Baguio. Nandyan pa rin ang natural na yumi at ganda ng lungsod na syang pangunahing atraksyob anuman ang panahon. Pulitika rin ang magpapagana sa ekonomiya ng Baguio upang harapin ang mga darating na hamon!
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024
August 31, 2024