TESDA Cordillera naghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses

LUNGSOD NG BAGUIO – Kumilos ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Cordillera sa pagsasagawa ng magkakasabay na relief operations sa mga apektadong lugar sa CAR dahil sa bagyong Ulysses noong Nobyembre 12-14, 2020.
Sa Abra, may 120 na mga nagsilikas mula sa binahang Barangay ng Siblong, Bucay sanhi ng malakas ng pag-ulan na nagresulta sap ag-apaw ng Abra River. Narating sila ng TESDA-Abra sa mga relief packages na may mga pangunahing pangangailangan at mga kagamitan.
Ang pamamahagi ng tulong ay isinagawa sa municipal evacuation site kung saan kasalukuyang nanunuluyan ang mga biktima. Samantala, 65 pamilya ang nabigyan ng relief packages sa mga barangay: Ampucao, Poblacion, Ucab, at Tinongdan, Itogon, Benguet ng TESDABenguet. Karagdagan dito ay nagbigay ang BCSAT staff ng bake cakes at tinapay sa mga lineman ng BENECO na
matapang na sinuong ang bagyo upang masiguro na ang mga linya ng kuryente sa Baguio at Benguet ay gumagana at ligtas. Ibinahagi rin nila ang mga tulong sa mga security guards ng Baguio City Hall at staff ng Bureau of Fire Protection-Baguio na walang kapaguran sa paglilinis ng mga kalsada sa mga sira na dulot ng bagyo.
Ibinahagi rin ng TESDA Ifugao at TESDA Mt. province pagbibigay ng tulong sa pagkain, sa Search, Rescue, and Retrieval Operations Team kasama ang mga lineman of MOPRECO, maintenance crew ng DPWH-Mt. Province at iba pang volunteers sa malaking pagguho ng lupa sa Sitio Nabito, Viewpoint, Banaue, Ifugao (Ground Zero) na naglibing sa 12 katao.
Sinabi ni TESDA-Cordillera Regional Diredtor Manuel B. Wong na umaasa siya na sa paunang tulong na ito ay maibsan ang mga sakit ng mga naapektuhan ng bagyong Ulysses. Ang TESDA Central Office ay lumilikom din ng boluntaryong tulong pinansiyal mula sa mga empleyado na ibibigay sa mga biktima at apektadong pamilya mula sa mga mapaminsalang bagyo na tumama sa bansa.
TESDA-Cordillera/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon