Tighten the “No-To-Smoking” Campaign

Metro BLISTT

Nagpakita ng mensahe sa kanilang poster ang ilang senior citizen, magulang at mga estudyante na tumututol sa patuloy na pagbebenta ng sigarilyo sa mga store at maging sa ilang grocery upang ganap na maisakatuparan na ang Baguio City “smoke-free ordinance 2017”.

Pinangunahan naman nina councilor Committee on Laws, Human Rights and Justice chair Betty Lourdes Tabanda ang isinagawang public hearing na kung saan ay dinagsa ng mga reklamo ang tanggapan ni Mayor Benjamin B. Magalong kaugnay sa ilang negosyante na nabigyan di umano ng permiso para magbenta ng sigarilyo sa umpisa ng taon hanggang sa kalagitnaan ng 2019.

Nagpasa naman ng ordinansa si Councilor Joel Alangsab hinggil sa mga mahihirap na patuloy na bumibili ng sigarilyo at sa bandang huli ay malaking halaga ang magugol para sa paglapat ng lunas nito. Ginanap ang public hearing noong Miyerkules, Setyembre 18, 2019 sa Session Hall, Baguio City.

Mar Oclaman/ABN