TINIMBANG KA NGUNIT: TAMA BA O KULANG?

Kung timbangan ang usapan, alam ng marami na ang timbangan ng hustisya ang pinakamataas. Kaya ito nakapiring bilang moog ng pantay-pantay na hustisya…walang maliit, walang Malaki, walng mahirap, walang mayaman. Ngunit ang malaking katanungan: bakit marami ang sumisigaw at naghahanap ng katarungan kahit pa sila’y natimbang na? Sa pagtimbang kaya may TAMA o may KULANG? Sentrohen nga natin ang isyung ito mga pards pero bago sa lahat, bato-bato sa langit muna: Kahit na ang mga matataas nating mga opisyal ng gobyerno (Pres./VP) ay hindi
ligtas sa timbangan ng taumbayan.

Kaya nga’t dahil sa ang pangulo pa rin ang sekretaryo ng Dept. of Agriculture…siya ang unang binato ng mga panimbang nang lumutang ang mga problema sa asukal, sibuyas, bawang, bigas at iba pang produktong pang-agrikultura. Tanong: sa mga ginawang hakbang o solusyon sa problema ay naging tama ba o kulang pa rin sa timbang? Di ba’t humupa na ang mga isyu hinggil sa mga produktong naturan ? O baka naman sa timbangan, may mga nakalambiting pabigat kaya palpak ang resulta? Walang pinag-iba ito sa ilang mga timbangan sa merkado. Dahil sa kagustuhang
kumita ng malaki, dinadaya ang timbangan.

Kung ano ang ginagawa para sa tingin ay tama na ang timbang ngunit may nakalulusot na palang daya at pambulsa ng mga tiwaling negosyante. Sa isang ulat, sa susunod na mga araw, muling papaibang bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr….hindi upang mangilak ng mga negosyanteng
mamuhunan sa ating bansa. Magkikita at mag-uusap sila ni US Pres. Baiden hinggil sa mga mahahalagang tratado sa pagitan ng dalawang bansa. Ito’y napapanahon sa tensiyon sa West Phil. Sea na kung saan, yan ang gustong solusyunan ni Pres. Bongbong.

Ika nga niya: walang malalagas kahit isang pulgadang pag-aari ng bansa sa mga teritoryong atin. At lalo pang tumitindi ang tensiyon dahil ditto nga ginagawa ang pinakamalaking Balikatan Exercises ng Pilipinas at Amerika na sinabayan din ng tensiyon sa pagitan ng China at Taiwan. Sana humupa ang mga nagbabagang panganib ngayon at hinaharap. At sa timbangan ng mga kontra….balik-isyu na naman sila hinggil sa lagi daw nasa labas ng bansa si Presidente Bongbong sa likud ng maraming problema sa ating bansa sa ngayon. Balik din tayo sa sagot ng pangulo noon na tigil-biyahe muna siya upang pagtuunan ang mga pangako ng pamumuhunan at pledges ng mga bansang kanyang pinuntahan.

Kanyang aalamin muna kung natupad ba ang mga ito o hindi at kung ano pa ang kulang. Sa puntong ito…nauuna kasi ang panghuhusga kaysa sa pagtimbang. Kaya nga may nagsasabi: tinimbang kita, ngunit kulang. Sa kasalukuyan, marami tayong mabibigat na problemang dapat pagtuunan ng pansin at solusyunan. Nariyan ang nakaambang tagtuyot dahil sa El Nino na tiyak
na makakaapekto sa maraming negosyo, mananalanta sa malawak na sakahang magkukulang o mawawalan ng supply ng tubig o madalas na brown-out dahil sa kakulangan ng panggatong.

Sa dumadaming nagkakasakit dahil sa sobrang init ng panahon, at ang katatapos na pagsala sa
maraming opisyal ng PNP kung saan 36 ang kinakitaan ng konekta sa droga, ayon sa ulat kamakailan. Buti na lamang at naibsan ang isyu sa Sim Registration dahil napalawig ito ng 90 araw. Ilan lang ang mga ito sa mga dapat na timbangin kung nasa tamang landas na ba tayo, o dapat nang husgahan o pwede pang baguhin at pagibayuhin ang pagsasa-ayos. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon