“TOKEN ENVIORNMENTALISM, DI NAKAKATULONG SA KAPALIGIRAN

Ang pag-usbong ng “environmentalism” gaya ng lingguhang tree-planting ay nauso o naging fad lalo na noong 80’s. Nagpatuloy ito hanggang ngayon na animo’y uri ng kabayanihan ang pagtatanim ng puno upang isalba ang kapaligiran. Kalimitan ay ang exotic na mahogany, na matagal nang inilalako ng DENR, hindi mga native species gaya ng molave o narra, ang itinatanim tuwing nagtre-tree planting.

Bakit ito panganib at kapahamakan sa lokal na kapaligiran? Pinipigilan ng mahogany ang mga katutubong (native) species na tumubo at yumabong sa kanyang paligid, lalo pa ng iba pang organismo sa lupa.
Kanya’t tinatawag itong “invasive specie”. Mula sa mga lokal na pagaaral, walang yumayabong na
wildlife o mga nilalang sa kagubatan sa mga natamnan ng mahogany kumpara sa mga natural na gubat.

Wala din umanong maraming mabubuting bacteria sa lupa, insekto, ibon sa mga sanga o ano pang mga karaniwang nabubuhay sa tunay na gubat gaya doon sa Bohol’s man made Mahogany forest sa
Bilar, na nagmistulang”biological dead zone”. Kaya’t kung gusto rin lang maki-uso, gawin nang tama ang pagiging “environmentalist”. Magtanim ng narra, molave, apitong, rafflesia at iba pa sa 682 katutubong puno at tanim na nanganganib nang ma-extinct.

Tandaan na nanganganib ang mga katutubong puno at tanim dahil sinakop na ng exotic species ang nalalabing pagtamnan dahil sa dispalinghadong pag-uudyok ng pamahalaang basta magtanim kahit mga punong mapapahamak ang katutubong puno at tanim. Tatlong porsyento na lamang ng mga orihinal na gubat ang nalalabing tinutubuan ng mga katutubong puno sa Pilipinas. Salamat sa legal at iligal na pagtrotroso, land conversion, hindi mahusay na pagmimintina at iba pang mga salik. ‘Wag nang maki-uso pa sa huwad na pagka makakalikasan!

Amianan Balita Ngayon