Sa katatapos lang na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ay marami ang humanga sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. Ito ay kakaiba sa mga nauna niyang mga pag-uulat kung saan ay sa pambungad pa lang na pananalita ay “inamin” niyang may kakulangan sa pagtugon ng kaniyang administrasyon sa mga pangunahing isyu at alalahanin ng bansa, na hindi pangkaraniwang ginagawa ng isang Pangulo. Subalit sa tuwing mayroong SONA ninumang Pangulo ay may mga hindi nasisiyahan at nakukulangan, idagdag pa ang mga kilos protesta na hindi rin nakaligtas sinumang Pangulo.
Ipinaliwanag ni PBBM sa kaniyang SONA bakit nabigong pababain ang presyo ng bigas at muling nangako na pag-iibayuhin ang mga pagsisikap sa mga nakalinyang mga programa sa agrikultura. Sa nakakasakit na mga presyo ng pagkain ay muling nanawagan ang Pangulo sa mga LGU na suspendihin ang mga pass-thru-fees upang mabawasan ang gastusin sa pagnenegosyo. Patuloy naman na naninindigan siya sa gitna ng tumataas na tensiyon sa West Philippine Sea; nangako siya ng mas mababang bayarin sa elektrisidad dahil pagkatapos ng mga pangunahing proyekto ng NGCP at panahon na raw upang repasuhin ang EPIRA.
Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na lahat ng 17 priority measures na binanggit ni PBBM sa kaniyang huling SONA ay lima ang naging batas: ang LGU Income Classification (RA 11964), ang Ease of Paying Taxes Act (RA 11976), ang Tatak Pinoy Law (RA 11981), ang New Government Procurement Reform Act (RA 12009), at ang Anti-Financial Accounts Scamming Act (RA 12010). Napansin naman ng ilan na walang banggit ang Pangulo sa Maharlika funds na isa sa mga kinukuwestiyong hakbang upang mapalago pa ang ekonomiya ng bansa. Tanong din nga mga tagapagtaguyod ng kapaligiran kung nasaan ang mga polisiya sa hustisya ng Pangulo.
Naging tahimik din ang Pangulo sa press freedom at Freedom of Information (FOI) gayundin walang banggit sa diborsiyo at SOGIESC bill. Kaugnay ng mga priority bills ay nangako ang pamunuan ng Kongreso na susuportahan
at aakto ng mabilis sa lahat ng priority legislative proposals ni Pangulong Marcos at kinikilala ang kahalagahan ng mga ito upang mapaunlad pa at pagpapahusayang pangkalahatang kalidad ng pamumuhay para sa lahat ng Pilipino. Kabilang dito ang mga bagong batas na layong mapasimple at mapabuti ang pangaraw-araw ng mga buhay ng tao, pagtugon sa mga isyu gaya ng pagpapaunlad sa ekonomiya, pangangalaga sa kalusugan, at imprastruktura.
Sa lahat ng sinabi ni PBBM ay mas lalong pinuri siya sa kaniyang mabigat na binitiwang salita na “lubos na pagbabawal sa lahat at anumang POGO sa bansa” at binigyan ng hanggang katapusan ng taon upang mawala na ang lahat ng umiiral na POGO legal man o iligal. Masayang nagtayuan at nagpalakpakan ang halos lahat ng nasa bulwagan ng Kongreso sa narinig gayundin ang mga mamamayan dahil sa wakas ay mapapalis na ang “salot” sa
lipunan na diumano’y naging sanhi rin nga maraming krimen.
Mas mabuting panagutin din ang mga opisyal na napapabalitang “mga protector” ng mga nasabing pasugalan at habang maaga pa ay mabigyan ng mga disenteng trabaho ang bawat Pilipinong apektado sa nasabing pagpapasara at pagbabawal ng lahat ng POGO sa bansa. Huwag sanang ipagwalang-bahala ito ng mga kaukulang mga ahensiya at opisyal.
July 28, 2024
January 12, 2025
January 4, 2025
December 28, 2024
December 22, 2024
December 14, 2024