Tradisyon ng Panagbenga magpapatuloy – Magalong

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang ika-27 edisyon ng Baguio Flower Festival (BFF) o Panagbenga 2022 ay tiyak namagpapatuloy, kahit sa isang simpleng paraan o kahit pa maantala ito sa oras.
Ito ay dahil sa napaulat na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na natuklasan sa pamamagitan ng testing centers sa lungsod.
Ang humahakot-ng-tao na mga aktibidad ay kabilang ang pagbubukas, street dancing at flower float parades ay iiwasan, inanunsiyo ito ni Mayor Benjamin Magalong sa isinagawang media forum Ugnayan sa city hall noong nakaraang linggo.
Ayon sa mayor, isang kasunduan ang ginawa sa isang pagpupulong ng Baguio Flower Festival Foundation dalawang linggo ang nakalipas, kasama siBaguio Country Club General manager Anthony de Leon.
Isang pagrepaso ang gagawin kung aling tradisyunal na mga aktibidad ang magpapatuloy, na iaanunsiyo sa isang pahayag mula sa foundation.
Ang mga tradisyunal namga aktibidad ay ang Session road in Bloom, Flower Golf Tee, ang Philippine Military Academy homecoming, Let A thousand flowers bloom, Open kite exhibition, Cultural show, grand fireworks, at Pony boys’ day.
Ang mga aktibidad sa landscaping ay maaaring magpatuloy kung saan ang mga kalahok at manonood ay susunod sa minimumpublic health standards (MPHS); pagsusuot ng face mask, social distancing at palagiang paghuhugas.
Walang mga detalye kung mga fully vaccinated na tao lamang ang papayagan sa mga lugar ng aktibidad.
Isang buwan na pagkaantala ang maaaring asahan, kaya ang paglulunsad at mga selebrasyon ay maaaring gawin sa Pebrero o kahit sa Marso, ayon sa mayor.
Ang dalawang nakalipas na taon aymay kontroladong selebrasyon ngmga aktibidad, gayunman ay minarkahan ang ika-25 at ika-26 na edisyon ng Pangbenga.
Ang iba pang pista gaya ng Dinagyang ng Iloilo aymagkakaroon ng isang virtual edition para sa isa sa kanilang nga aktibidad, upang maiwasan ang pagsisikip ng mga tao.
Ang isang-buwan na taunang Baguio Flower Festival ay nagsimula noong 1995 pagpupugay sa mga bulaklak ng lungsod at punan ang mahinang mga buwan sa turismo.
Nagpatuloy ito sa loob ng 24 taon, nag-aalok ng inobasyon, katutubo at malikhain na mga aktibidad na may inspirasyon ngmga bulaklak sa mga lokal at banyagang mga turista sa pamamagitan ng kultural, isports, eksibisyon, at iba pang mga aktibidad.
(JGF-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon