Pagpasok pa lang ng buwan ng Hulyo…napuna na ng buong mundo ang kakaibang lakas ng mga ulan na bumayo sa kalakhang bahagi ng China. Ito ang dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay grabe ang nararanasang mga pagbaha sa halos lahat ng malalaking lugar dito . Dahil sa pagbaha ngayun sa China, may mga napapabuntong-hininga at
nauusal ang katagang: KARMA! Ayon sa mga analysts, marami silang napupuna sa mga nangyayari sa China. Ayon sa mga lathala, Ang China ay may “one child policy” . Ibig sabihin, sa isang mag-asawa, dapat ay isa lang ang maging anak.
Dahil naipapatupad ito, pawang mga may edad na ang mga natitirang trabahador sa kasalukuyan. Malayo pang makasunod ang mga kabataan. Ito raw ang dahilan kung bakit bumaba ang kalidad ng patrabaho ganun din ang kalidad ng produkto. Sa kagustuhan daw ng bansang ito na maghari sa mundo sa lahat ng aspeto, pinarami ang produkto na nakaapekto naman sa kalidad nito. Ayon sa ulat…ang China ang may pinakamaraming barko ng Navy at lalo nilang pinalalakas ang kanilang mga gamit sa sandatahang lakas.
Pero ayon sa ulat din…kahit pa mauungusan daw nila ang gamit pangseguridad ng ibang bansa gaya ng Estados
Unidos, India at Mexico…babagsak din ito (China) pagdating sa kalidad. Grabe ang pagbaha sa China. Maraming mga ari-arian ang nasira bagama’t naaagapan nilang mailikas ang mga apektadong residente. Ayon sa mga ulat,
pinangangambahan nila na masira ang kilalang GORGES DAMS, maraming negosyo ang titigil na at nagsara dahil
sa baha at kahit pa tumigil na ang baha, matagal-tagal bago maka-rekober daw ang Tsina.
Hindi raw kaya ito ay isang “KARMA”? Ang aming pakikiramay sa mga biktima. Dito naman sa atin….bumabaha rin ang mga kontrobersiya. Kung kailan makakabalik sa bansa si dating Rep. Teves, kailan lalantad si Pastor Quibuloy at kung nasaan na in si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ang masaklap…sa halip na makausad ang ating mga
mambabatas sa kanilang tungkuling gumawa ng mga batas…nababaling ang kanilang panahon sa kakaimbestiga sa mga kontrobersiya. Tuloy, nababaha rin ang utak ng ating mga kababayan sa mabagal nating pag-usad at pag-unlad.
Sa kasalukuyan, may mga naghahanda na para sa susunod na eleksiyon. Sabi naman ng mga praktikal na botante: sige lang kayo, basta’t kami may kita. He he…babaha na naman kaya ng gawis, katiw,o pera nitong susunod na eleksiyon? Tsk tsk..kawawa naman ang mga mahihirap (walang pera) na gusto ring manilbihan sa bayan? May puwang kaya sila sa labanan ng mga may “datong” at “maimpluwensiya”? May bumulong: sa halip na gastusin ko ang aking naipon sa pulitika…inegosyo ko na lang para may pakinabang. Utak ng isa pang praktikal: ang pulitika
raw ay isang uri ng sugal.
Matalo, manalo. At di naalis ang dungis dahil sa pulitika. Eh, kung yong isyu ng POGO ay di pa lubusang nareresolba…pulitika pa kaya? Magnilay-nilay mga pards. Sa tama lang tayo aayon. Kontrahin ang anomaly at bulok na paraan ng buhay. Muli ang aming pakikiisa sa mga nananalangin na sana tumigil na ang grabeng pagbaha sa China at sa ibang pang panig ng mundo. Adios mi amor, ciao, mabalos.
July 21, 2024
July 21, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025