Trapiko sa lungsod ng Baguio, organisado sa pagdiriwang ng Panagbenga

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang maayos at organisadong daloy ng trapiko ang isa sa naging kapansin-pasin sa dalawang araw na pagtatanghal ng grand street dancing at grand float parade ng Panagbenga na dinarayo ng mga turista.
Maraming residente at mga bisitang nanood sa parada na malaki ang naging pagluwang ng trapiko ng lungsod kung ikukumpara sa mga nakaraang pagtatanghal ng mga naturang parada.
Ayon kay Mohammad Abas, assistant regional director ng Land Transportation Office-Baguio, na nagkulang sila ng tauhan sa traffic enforcement para maisaayos ang trapiko kaya naisipan nilang mag-deputized ng 73 na pulis sa Philippine National Police upang makatulong sa paghuli ng lumalabag sa batas trapiko.
Humigit-kumulang naman na 2,000 mga sasakyan na gamit ng mga turista ang dumagdag sa mga sasakyan sa kalsada ng lungsod ngayong Panagbenga kaya nagkaroon pa rin ng mabigat na trapiko sa ilang parte ng Baguio.
Hindi man masabi na kumonti ang daloy ng trapiko, masasabi pa rin na mas naging organisado ito, ani Abas.
Ngunit, ani Abas, kulang pa rin sa disiplina at kulang sa pamumuno ang mga tao kaya hindi naiwasan ang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko.
Inamin din ni Abas na hindi lamang sa mga taong nagmamaneho ang problema o ang sikip ng kalsada, kundi pati na rin sa mga traffic officers at mga kaugnay sa pulitika, kaya problema pa rin ang trapiko.
Pagkatapos ng dalawang parada noong Pebrero 24 at 25 ay mas magiging istrikto ang LTO-Baguio sa operasyon sa paghuli ng lumalabag sa batas trapiko. PAULO GREG BENITEZ, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon