Tricycle driver, nadakip sa illegal na droga

Rosario, La Union – Nadakip ang isang tricycle driver sa isang buy-bust operation ng pinagsamang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional office at lokal na pulisya sa Barangay Subusub noong July 19.
Kinilala ni Chief Inspector Bernabe Oribello, hepe ng Rosario, ang suspek na si Ramil D. Esquivel, 44, residente ng Barangay Poblacion West, Rosario.
Nasamsam mula sa suspek ang anim na sachet na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o shabu, dalawang sachet ng dried marijuana leaves, cellphone, buy-bust money, at motoriklo na may plakang QS-7919 na may body number 3F 044 na ginamit ng suspek sa transportasyon.
Ang suspek ay nasa Oplan Tokhang watch list subalit hindi sumuko sa mga otoridad.
Ang suspek kasama ang mga nasabat at motorsiklo ay dinala sa municipal police station para sa dokumentasyon at mahaharap sa mga kasong isasampa sa paglabag nito sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Erwin Beleo

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon