Tropa ng gobyerno nilulumpo ang NPA sa Ilocos

Provincial

Naniniwala ang mga tropa ng gobyerno na nalulumpo na nila ang mga komunistang gerilya sa rehiyon ng Ilocos. Tinukoy ang walo pang assault rifles ng mga rebeldeng NPA na nakuha at naibalik sa armory gn gobyerno sa kamakailang pursuit operations ng 702nd Infantry Brigade sa Ilocos Sur, sinabi ni Brig. Gen. Audrey Pasia na nakarekober ang mga sundalo ng 70th Infantry Battalion at 81st Infantry Battalion ng dalawang (2) M16 rifles sa Brgy. Palali, bayan ng Santa Lucia noong Agosto 17.

Muli, noong Agosto 19, nakakumpiska ang mga sundalo ng 69th Infabtry Battalion ng isang M16 rifle at isang M14 rifle sa Barangay Namitpit sa Quirino, Ilocos Sur. Sa parehong araw ay dalawang M16 rifle ang nakumpiska ng mga sunsalo sa Barangay Poblacion, bayan ng Suyo at dalawa pang M16 riflea sa Barangay Pidpid, Santa Cruz.

Pinaniniwalaan na ang mga baril ay maaaring naiwan ng mga tumatakas na komunistang gerilya dahil sa mainit na pagtugis ng military sa mga bayang ito kamakailan. “NPA bandit’s Alias ‘Nero’ should realize that government forces, with the full support and cooperation of the peace-loving people of Ilocos Sur, are serious in dismantling (the) terrorist group by all means,” sinabi ni Pasia matapos mapatay ang limang rebeldeng NPA kalagitnaann ng Agosto sa isangs erye ng mga labanan.

Dalawang mataas ang ranggo na lider ng mga rebelde ang nadakip sa bayan ng Santa Cruz matapos ang bakbakan sa Sta. Lucia at Candon City, habang anim na riple at tatlong low powered friearms ang nakumpiska mula sa mga rebelde.

“We want the Ilocano communities to have a life free from the harassment of the NPA bandits. The order on my troops remains: ‘Destroy the NPA in Ilocos Sur, by all legal means necessary’, ” ani Pasia.

AAD/PMCJr.-ABN