Malaking dagok sa ekonomiya ng bansa, hanggang sa libo-libong maliliit na nagtatanim ng tabako, ang smuggling ng sigarilyo at iba pa nitong by-products. Sa 2022 tala ng Euromonitor, mula 10.8 porsyentong illicit volume noong 2018, lumaki nang lumaki bawat taon mula 2019 hanggang umabot na sa 20.4 porsyento noong 2024. Samakatwid, sa P14.87B nawala sa pamagitan ng excise taxes noong 2018, lumubo ito ng P35.92B noong 2024.
Kung susumahin, sa papalaking porsyento ng illicit volume ng tabako, umaabot sa P163.55B ang Nawala sa kaban ng bayan mula 2018-2024 lamang. Dahil lumalala ang smuggling, lalo na sa Central Luzon at Mindanao kung saan
pinakatalamak, tinataya ng National Tobacco Administration (NTA) na aabot sa P39.29B excise taxes ang mawalala
sa kaban ng bayan ngayon 2025 lamang.
Patuloy na dadagukan ang 2.2 million Pinoy na nakasalalay sa industriyang ito, kasama na ang 430,000 magsasaka, manggagawang-bukid at mga kapamilya nila. Nakukulangan ang Philippine Tobacco Institute (PTI) sa pagsisikap kontra sa smuggling. Ipinapanukala nito ang isangkomprehensibong galaw upang masawata ang suliranin sa
pamamagitan ng whole-of-government-approach gaya ng paglahok din ng mga Local Government Units (LGUs) hindi lang law enforcement agencies.
Kinakailangan din ang pamumursige upang maisakdal at maparusahan ng batas ang mga smuggler at iba pang sangkot dito, opisyal man o pribadong inbidwal sa papamamagitan ng Anti-money Laundering Council (AMLAC)
upang maghudyat na seryoso ang pamahalaan sa layuning ito. Bukod pa sa pagrebisa sa tax system upang mapagtanto ang tamang tax na magbabalase sa layuning pagpapataas sa taxes na pumapasok sa kaban habang
pinapababa ang paggamit ng publiko dito sa pagsa-alang-alang sa kalusugan. Gaya ng smuggling sa iba pang
produktong agricultural, kinakailangan ng lahat ng sangay ng pamahalaan, sa pakikipatulungan ng mga magsasaka ng tabako at kalakhang publiko, ng isang determinado at nagkakaisang pagkilos kontra sa smuggling.
February 10, 2025
February 10, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025