TUMADEK CULTURAL GROUP, NAGPAHIWATIG NG KASIYAHAN SA PAGLAHOK SA PANAGBENGA FESTIVAL

BAGUIO CITY

Nagpahiwatig ng kasiyahan ang Tumadek Cultural Group ng Tabuk,City,Kalinga sa mga kinatawan Baguio Flower Festival Foundation,Inc. (BFFFI), mula sa kanilang makasaysayang karanasan sa
paglahok sa katatapos na Panagbenga Festival. Bagama’t hindi pinalad na manalo sa street dancing
competition, ay nagpahatid pa rin sila ng pasasalamat, dahil sa kanilang karanasan na mapabilang sa makasaysayan at sikat na festival sa Summer Capital.

Anila, kahit ibinuhos na nila ang kanilang kahusayan ay hindi rin matatawaran ang husay ng mga ibang kalahok sa cultural presentation. Sinabi pa ang naramdamang kasiyahan nila sa festival na ito ay maari nilang nilang gamiting pangpalakas sa pagkilala sa pagkakaisa ng dalawang lungsod sa rehiyon ng Cordillera. Dagdag pa nila, gagawin nila ulit ang kanilang makakaya na maging mahusay at kilalanin ng siyudad ng baguio sa kanilang muling pagsali sa Panagbenga Festival sa
susunod na taon.

Trevor Yeshua Ayangwa-UB Intern

Amianan Balita Ngayon