Turismo sa Baguio Nalugi ng Php1.46B dahil sa COVID-19

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang industriya ng turismo na dapat sana’y nasa rurok na ng panahong ito ng taon ay nawalan ng PhP1.46 bilyon, ayon sa ulat ng Baguio Tourism Office noong Huwebes.
Sa kaniyang pag-uulat sa Baguio Tourism Resiliency and Recovery Plan kay Mayor Benjamin Magalong ay sinabi ni tourism officer Aloysius Mapalo na base sa tourism arrivals ng nakaraang taon kung saan 540,373 turista ang umakyat mula Pebrero hanggang Mayo, nawalan ang industriya ng turismo ng PhP1.46 bilyon base sa isang PhP2,700 per person per day expenditure.
Sinabi niya sa isang panayam na “that could be an estimated expenditure of tourists that did not come in the city this year.
Consider that minimum since as mentioned, other tourists are not accounted for.”
Subalit sinabi niya na maaaring mas nasaktan pa ang lungsod sa pinansiyal dahil ang mga numero ay pagtataya lamang at base sa datos na nakuha sa above-ground economy.
Maraming may kaugnayan sa turismo na trabaho at establisimiyento, kabilang ang mga nakikipagtransaksiyon sa online, na totoong underground ay naapektuhan din ng lubos.
Sinabi ni Mapalo na ang numero ay base sa bilang ng pinagsama-sama mula sa 299 hotels sa panahon ng Panagbenga na inaasahang makahikayat ng mas maraming turista dahil sa dagdag na kasiyahan gaya ng Ipitik festival kung saan mga nakakaakit na aktibidad ay naitanghal sana.
Subalit lahat ng hakot-tao na aktibidad ng Panagbenga ay ipinagpaliban at kalauna’y kinansela nang sumailalim ang lungsod sa enhanced community quarantine noong Marso 17.
Sinabi ni Mapalo na hindi aakyat sa Baguio ang mga turista dahil ang panahon mula Hunyo hanggang Agosto ay bumababa ang bilang.
Sinabi niya na darating din ang mga lokal na turista sa hinaharap.
Sa pagbanggit sa pahayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Puyat ay sinabi ni Mapalo na hindi inaasahan ng lungsod ang pagdating ng mga banyagang turista sa anumang panahon ngayon.
Sinabi niya na, DOT has “already forecasted that foreign travel may still be difficult until next year. So, it is not expected that we’ll have foreign tourists soon.”
Sa pagsara ng mga hotel at restaurant sa nakaraang dalawang buwan ay nasa 4,000 empleyado ang naapektuhan ngunit hindi pa kasama ang mga nagtratrabaho para sa online booking, ang mga
nagseserbisyo sa pamamasyal at iba pa.
Sinabi niya na ang recovery plan ng kaniyang opisina at Baguio Tourism Council kung saan epektibong pamamahala sa krisis ay isinasagawa.
Ang mga programang panukala ay kabilang ang paglulunsad ng isang online tour of parks, museums, galleries, ang pagsasagawa ng seminars, at workshops para sa sustainable tourism kung saan ang natutunan mula sa krisis ay mabibigyan ng importansiya at makatulong sa tourism practitioners na makarecover.
Sinabi ni Mapalo na ang mga aktibidad mula sa mga barangay hanggang sa local government unit ay dapat maipatupad upang makatulong makaakit ng turista na bumalik gaya ng isang pagkilala sa mga frontliners, thanksgiving ritual, at program, small group festivities, National Flag Day sa Mayo 28, Independence Day sa Hunyo 12 at town hall sessions, at iba pa.
Ksama sa ibang programa ang “Akyat Na” para sa mga turista at estudyante na itatanghal sa Setyembre sa charter day ng Baguio at magiging full blast sa Nobyembre o Disyembre; at mga programa na itatanghal para sa 2021 gaya ng HoHoHo Tourist Transport sa Enero 2021, ang “New Panagbenga” sa Pebrero at ang Baguio Summer Blast mula Marso hanggang katapusan ng Mayo.
Sinabi sa tourism plan na “all the above proposals will be subject to national and local government directives and order.”
PML-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon