Turista dismayado sa sistema ng baklas plaka sa baguio

BAGUIO CITY — Dismayado at may galit ang mababakas sa mga mukha ng mga turista na galing sa ibat-ibang lugar sa bansa ng baklasin ang kanilang plaka sa kahabaan ng Otek street na ang buong akala nila ay maaring parkingan dahil sa may mga guhit ito na tila nakalaan sa mga sasakyan halos 20 na sasakyang pribado ang nabaklasan ng plaka dakong 4:50 ng hapon noong Disyembre 27, 2019.

Ayon sa isang turista na nakilala sa pangalan na Luis ng Sampaloc Manila ay umikot sila ng umikot sa may Burnham Park upang maghanap ng parkingan subalit sa may Otek St sila napadpad upang kumain sa isang Chinese restaurant aniya lima silang mga galing Manila na magbabaksyon sana sa lungsod lima din sila aniya na natanggalan ng plaka sa may harap ng Fortune Restaurant at Watson Pharmacy.

“Wala kasing signage na no parking sa st. na iyon at marami ring mga sasakyang nakaparada kaya nagpark na rin kami subalit dumating ang mga pulis at binaklas ang aming mga plaka nakiusap kami pero bawal daw e samantalang wala namang nakalagay na No Parking”, ani Luis.

Binatikos din ng isang babaeng motorista ang pulis na nagbabaklas ng plaka na dapat aniya ay lagyan nila ng signage dahil panlilinlang aniya sa mga motorista ang sistema nila.

Napag-alaman pa na mat tagapagbigay umano ng “tip” sa kapulisan sa Precinct 7 na kapag marami na umano ang nakaparadang mga pribadong sasakyan ay biglang darating ang mga pulis at duon ay walang habas ang baklas nila ng plaka.

“Nakaka dismaya ang mga pulis dito hindi marunong pakiusapan at nakaka inis pa ang kanilang mag one way one way na trapiko nakakaligaw hindi naman ganito dati ang Baguio City”, ayon pa sa isang lalaking turista.

Idagdag pa na dahil sa kakulangan ng parkingan sa Baguio kaya bumibigat ang trapiko sa loob ng Central Business District Naging bukang-bibig na ng mga turista ang problema sa trapiko sa lunsod at maging ang mga taga Baguio ay nagrereklamo na rin dahil sa hindi naman anila nabigyan ng solusyon ang problema sa trapiko na tila pa lumala.

Sa paliwanag naman ni P/Major Marlo Evasco ,hepe ng Precinct 7 ng Baguio City Police Office sinabi niya na binabaklas nila ang mga plaka kapag “rush hour” subalit maari mag park kapag maluwag ang trapiko.

Idinagdag pa niya na ang parking sa otek ay para lamang sa mga public utility jeep at hindi parkingan ng mga pribadong sasakyan kung kayat binabaklas nila ang mga plaka.

Subalit hiniling ng mga motorista na maglagay sila ng malaking “No Parking for Private Vehicle for Only PUJ” ito ay upang hindi malito ang mga motorista.

Thom F. Picaña/ABN

Amianan Balita Ngayon