Isang malaking MARYUSEP ang bungad natin mga Ka-daplis. Bakit? Aba’y grabe na ang ratsada ng mga salasalabat na mga kontrobersiya sa ngayon. Kung ikaw ay asin…tunaw ka na. Kung ikaw ay npulot, nanigas ka na sa INIS,
ASAR at baka NAGMUMURA ka narin. Maryusep…hayaan mo na lang na ang PAGMUMURA ay sa mga Duterte na lang. sa atin…manood at makinig lang tayo sa mga kaganapan. Maryusep…agkapetkayon ta mamangan matnagka, kabsat. Patongpatong na ang mga ginagawang imbestigasyon sa ibat-ibang mga usapin sa ating lipunan. Puros pa naman kontrobersiya.
Nakalantad na nga ang ibat-ibang mga problema sa ating bansa, sumasabayn pa ang mga ireng kontrobersiya.
Makakalbo mka, pards kung wala kang sintrong bibinatin. Tignan mom na lang ire, pards: pinoproblema natin ang isyu ng kakulangan sa bigas dahil marami sa atin ang hindi marunong magtipid sa kanin . Sabi nga ng mga pilosopo…sa ngayon, pati nga PAGMUMURA napakamura na. Hindi lang mga Duterte ang marunong nang magmura. Baka pati sanggol na isisilang pa lang ay may namana ng MURA sa sisnapupunan ng ina.
Anak ng baka naman, pards. Sorry ho…hindi kami nagmumura. Nababanas lang nang kaunti. Di pa naman matindi, eh. Malapit na. Panong di ka mababanas eh, ang pinakabagong naganap sa may Bajo de Masinloc ay binangga at binomba ng tubig ng China coast guard ang barko ng BFAR. Na naman??? Anak ng…sus maryusep! Ano kaya’t..sige..pasensiya muna hane. Relax kahit gusto mo nang UMUPAK NANG TODO! Haayy naku. Makakasakal ka eh! Sige, umpisahan nna natinn ang ratsada.
Unahin natin ang biglang lumutang na submarino ng Russia sa sakup nating karagatan. Nabulaga ang bansa at sangmundohan, pards. Mantakin mong bigla na lang sumilip ire? Ala, eh…ano bang pakay? Tayom ba’y nalusutan?Bakit di natin ito namalayan? Sakaling matagal na itong nagaganap sa ating teritoryo…aba’y para na tayong iginigisa na sa ating sariling manteka, di ba? Wala tayongm kamukatmukat, eh, kahiga na pala natin ang maaring sasagpang sa atin.
Di naman natin turing na kaaway ang Russia pero sa lagpas ng ating pag-iingat….batid nating malapit mna magka-alyansa ang Russia at China, di ba? Ang bawi naman ng Phil. Navy…ang naturang pagsulpot ng submarenong ito ay di raw sinasadya. Dahil daw sa sungit ng panahon kaya sila may napadpad daw diyan at sinabing pauwi na raw sila sa kanilang bansa. Tuloy, may hinala ang mga listong mga analysts: “di kaya sila ay nariyan dahil gustong magmanman sa mga joint military exercises ng Pilipinas, America, Japan at Australia?”
Wala tayong pinanghahawakang teoryang ganito pero di natin maiaalis ang kurokuro ng iba. Sana huwag lumala ang “SILIPANG” ito. Ayaw na natin ang isa pang giyera dahil “graduate” na tayo riyan. Ano bang bago sa mga Duterte? Isa pang maryusep ito, pards. Kamakailan, may mga naghain nan g IMPEACHMENT laban kay VP sara Duterte. Hindi sila mga taga-Kongreso kundi mula sa ibat-ibang peresona at grupo. May humabol pa ngang isa, eh.
Marami silang kaqdahilanan kung bakit nila ini-impeach ang bise presidente. In short..banas na sila. Isa na riyan si dating senadora Leila De Lima. Sabagay, naging biktima ito ng diumano ng kawalang-hustisya. Marami itong bala na isasalang laban sa mga Duterte. Wala tayong magagawa kundi maghintay ng kaganapan o mga susunod na kabanata. Tsk tsk..may bago na namang trabaho o asignatura ang mga mambabatas natin, pards. Dapat mag-review ulit sila hinggil sa isyu ng impeachment. Nakakatuwa ang mga kaganapan, pards.
Sa South Korea, nagdeklara sila ng EMERGENCY MARTIAL LAW…bagamat binawi naman na. Libo kasi ang ating mga kababayang nagtratrabaho sa bansa ito na maaring maapektuhan kung sakali. Sabagay, naranasan na natin ang ganitong sitausyong may batas-militar. Ayaw na nating maulit ito. Pero teka lang, pards…sa mga tensiyon sa ating
bansa lalo na sa isyu ng pulitika…parang lumalapit ang pangamba ng marami sa banta ng martial law, di ba? Buti na lang, hindi naman sa sabi nilang malambot o malamya si Pres.
Bongbong kundi marunong siyang mag-analisa sa mga maaring ibunga ng “maling desisyon”. Inupakan na siya at sinabi pang ipapapatay siya ni VP Sara pati asawa niya at si house speaker….pero hinahayaan muna niya ang mga
ahensiyang may saklaw nito na siyang kumilos at pairalin ang legal na hakbang. Tanong ng marami: saan kaya patungo ang dating pagkakaibigan nina Sara at Bongbong?
Sabi ni babae: “Hindi ako magpapatawad!” ito ang bago niyang banat kasunod ng sinabi niya noong: “narating ko na ang point of no return”. Maikli lang ang sagot ni Bongbong: NEVER SAY NEVER. Huwag kang magsabi nang patapos. Matalinghaga ito at hayaan natin ang mga susunod na kabanata na siyang HUMUSGA. ADIOS MI AMOR, CIAO, MABALOS
December 9, 2024
December 9, 2024
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 4, 2025