TWO-DAY MENTRUAL LEAVE, ISINUSULONG SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Isinusulong ngayon ni Sangguniang Kabataan Federation President John Rhey Mananeng ang Menstrual Leave Ordinance na naglalayon na pagkalooban ang mga kababaihan ng dalawang araw na menstrual leave mula sa
kanilang pinag-tratrabahuan, gobyerno man o pribado. Layunin ng ordinansa na suportahan ang kalusugan ng
kababaihan sa lugar ng trabaho, at kung maisasabatas nga ay mapagkakalooban ang mga kababaihan ng dalawang araw na leave.

Ayon kay Mananeng, “It’s the reason why these times, these are the stages where menstruation is strong or current na nararanasan ng ating mga kababaihan wherein there was a research na nagsasabi na itong menstruation during the first two days marami sa ating mga kababaihan ang nakakaranas ng menstrual cramps and dysmenorrhea.”
Nakasaad sa ordinansa na ang mga makakatanggap lamang ng benepisyo ay ang mga empleyadong nakapagtrabaho na ng hindi bababa sa anim na buwan sa kanilang pinagtratrabahuan.

“We have filed our menstrual leave ordinance to give time for women, to take their a rest during their menstrual period,” pahayag pa ni Mananeng. Sang-ayon naman sa ordinansang ito si Jemelyn Corpuz, senior cashier sa University of Baguio, dahil kinakailangan umano ng mga kababaihan ang benepisyong ito, dahil mahirap umano
makakilos sa trabaho ,kung may iniindang karamdaman. Ang Menstrual Leave Ordinance ay hango sa Article 13, Section 14 ng 1987 Constitution na nagbibigaydiin sa obligasyon ng estado na tiyakin ang ligtas na kondisyon sa pagtatrabaho para sa kababaihan, at nagbibigay-diin rin sa kanilang pangkalusugan na pangangailangan.

Ayon naman kay City Health Officer Dr.Celia Flor Brilliantes, “there a times na pwedeng mag-absent, but not the whole time of the month na time of menstrual period na magaabsent ka.” Ang panukalang ito ay naglalayong magbigay ng mga kinakailangang suporta sa mga babaeng empleyado, maliban na lang sa mga buntis at
menopause, sa mga panahon sila ay dinadatnan. Ang ordinansa ay inaprubahan sa unang pagbasa at isinangguni sa Committee on Social Services, Women, at Urban Poor ng Konseho ng lungsod para sa pagsusuri.

Almira Mia P. Marasigan/UBIntern

UB OUTREACH

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon