BAGUIO CITY
Ipinagmamalaki ngayon ng University of Baguio Science High School at ng city government, ang grade 12 students na si Rynne Daven Barrios, sa kanyang pagkapanalo ng Gintong Medalya sa
pamamagitan ng Online Exam Portal ng Southeast Asian Mathematical Olympiad para sa taong 2022. Si Barrios ay isa sa daan-daang kalahok sa SEAMO 2022, na ginanap bago matapos ang taon ng 2022, na nagpakita ng namumukod-tanging saloobin sa pagtanggap ng hamon sa matematika sa panahon ng Math Olympiad at naging pambato ng lungsod at rehiyon.
Sa anim na kandidato para sa SEAMO 2022, nasungkit ni Barrios ang gintong medalya sa nasabing kompetisyon sa ilalim ng kategorya ng Grade 12 students na tinalo ang iba pang mga estudyante mula sa Pilipinas, at mga bansa sa Southeast Asia. Pinarangalan si Barrios ng city government sa
pamamagitan ng isang City Resolution, bilang pagbati sa ipinakita kahusayan at disiplina sa akademya na nagsisilbing inspirasyon ng kanyang mga kaklase, kapuwa estudyante, paaralan at ng siyudad ng Baguio.
Ang Southeast Mathematical Olympiad (SEAMO) ay isang natatanging platform ng pagtatasa na
nagmula sa Singapore na nagbibigay ng matinding diin sa mga kritikal na kasanayan sa pag-iisip bilang bahagi ng mga pangunahing kakayahan nito sa ika-21 siglo. Sinabi ng konseho na sa paglipas ng mga taon, ang SEAMO ay nagtatag ng isang malawak na network ng mga mathematics olympians sa buong mundo kung saan ibinabahagi ang kaalaman, kasanayan at kultura.
Shareen O. Ambros/UB Intern/
February 24, 2023
February 24, 2023
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024