UC ALUMNA NANGUNA SA 2024 CPA LICENSURE EXAM

BAGUIO CITY

Muling pinatunayan ng University of the Cordilleras (UC) ang kalidad ng kanilang edukasyon matapos manguna ang kanilang alumna sa Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examinations noong Mayo 2024. Si Nicole Agoy Gonzales, nagtapos sa UC, ay nakakuha ng pinakamataas na marka na 90.83%, samantalang si Hazel Ann Concepcion, mula sa Polytechnic University of the Philippines-Sta. Mesa na may kaparehong score. Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagpasok ni Gonzales bilang topnotcher, kabilang sa 3,155 na mga pumasa.

Pumangalawa si Joseph Camacho Mag-aso Jr., ng Binalbagan Catholic College na may iskor na 90.50%, habang
pangatlo naman si Shawn Luther So Chan, ng De La Salle University-Manila na may score na 90.33%. Sa kabuuan, 10,421 examinees ang kumuha ng licensure exams. Noong 2023, nanguna rin ang UC graduate na si Alexander
Salvador Centino Bandiola Jr. sa Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examinations na may score na 89.50%, kung saan 2,239 ang mga pumasa. Binati at ikinarangal ni Mayor Benjamin Magalong ang tagumpay ni Nicole Agoy Gonzales.“I feel proud to announce a remarkable achievement for our city” ani Magalong.

“Nicole’s exceptional achievement is a testament to her hard work, dedication, and the high quality of education provided by our institutions here in Baguio. Her success brings great honor not only to her family and alma mater but to the City of Baguio.” Sa pamamagitan ng tagumpay ni Gonzales, muling napatunayan ng University of the Cordilleras ang kanilang kahusayan sa larangan ng edukasyon, nagdadala ng karangalan sa buong komunidad ng Baguio.

Juannah Rae Basilio/UC-Intern

Amianan Balita Ngayon