Photo Caption: Visually impaired law graduate ng University of Baguio na si Anthony Mark Emocling kasama ang former dean ng School of Law ng UB na ngayon ay Narvacan, Ilocos Sur Mayor Atty. Pablito Sanidad Sr. Ayon kay Emocling, siya ay nagpapasalamat kay Mayor Sanidad Sr. dahil sa walang sawang suporta nito.
BAGUIO CITY
Sa ika-apat na pagkakataon ay nasungkit Anthony Mark Dulawan Emocling na maging ganap na abogado, matapos maipasa ang 2022 Bar Examination. Si Emocling,33, ay nakapagtapos bilang cum laude ng Political Science sa University of Baguio at nakapagtapos din ito ng law sa UB noong 2017. Si Emcoling, ang kauna-unahang visually-impaired na pumuwesto sa ika- 1,407th sa kabuuang bilang na 3,992 passers sa bansa.
Ayon kay Emcoling ay pang-apat na beses na itong nag-take ng bar exami mula noong 2017. Gayunpaman, hindi ito nawalan ng pag-asa at ngayon ay isa na siyang ganap na abogado. Pangarap umano niyang maging human rights lawyer lalo na sa mga taong may kapansanan.
Ang former dean sa University of Baguio, School of Law ngayon ay Narvacan, Ilocos Sur Mayor Pablito Sanidad Sr. ang unang bumati sa pagkapasa ni Emocling. May kabuuang 20 law students ang UB ang nakapasa sa 2022 Bar Exam, kabilang din ang dating radio broadcaster na si Faiza Mariano, sa kanyang ikatlong bar exam.
By Keith Anne Sajor- UB Intern
September 13, 2024
September 2, 2024
August 26, 2024