UNANG VOLLEY BUDDIES LEAGUE ISINULONG SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Isinagawa ng Volley Buddies ang kanilang unang liga sa St. Vincent Gym, Naguilian Road, noong
Weekend, Abril 15 hanggang 16, 2023. Ang paligsahan na ito ay bahagi ng itineraryo ng Baguio
City para sa tag-init ng 2023, kung saan ito ay nagtataguyod ng mga masasayang aktibidad, kaganapan, at palakasan na parehong matamasa ng mga lokal at turista sa Baguio. Ang liga ay inorganisa ng mga founder ng Volley Buddies na sina Claire Mejia, Maine Relleta at Gem Dela Cruz. Ang Volley Buddies ay isang non-profit na organisasyon na naglalayong magbukas magbigay ng ‘avenue’ sa mga sa mga mahilig sa volleyball at komunidad para sa mga tao upang maibahagi
nila ang kanilang hilig at pagmamahal sa nasabing sport.

May walong grupo na binubuo ng pitong miyembro na sumali sa liga. Ang mga grupo ay binubuo ng mga mahilig sa Volleyball na laging dumadalo sa mga lingguhang laro na pinangangasiwaan ng
Volley Buddies mula 12pm hanggang 5pm tuwing linggo sa St. Vincent Gym. Ang Volley Buddies
League Season One ay Sponsored ng Lungsod ng Baguio, ang Sangguniang Kabataan, Northern Luzon Volleyball Association (NOVLA), Converge ICT Solutions INC., Cyber Beat, Mangaywan Corporation , Japsy Takoyaki, Team Z, gayundin ang mga donasyon mula sa mga miyembro ng
organisasyon na Volley Buddies.

Nakapag-uwi ng limang libong piso at gintong medalya ang mga kampeon ng liga na sina Benjamin Castañeda Clarin Jr., Kyle Roux Jaleco, Marcel Cadanilla, Lyanah Nicole Casas, Aberey Novesteras, Julio Miguel Lopez, Daniel John Caoile II. Habang ang 1st runner up ay nakakuha ng 3,000 php at
medalya, ang 2nd runner up ay binigyan ng 2,500 php at medalya, at ang 3rd runner up ay ginawaran ng 2,000 php at medalya. Ang liga ay ginawa upang magbigay pagpapahalaga sa komunidad ng volleyball ng baguio, gayundin ang pagbibigay-pansin sa mga aktibidad sa lungsod ng baguio na magsusulong ng pagiging aktibo sa pisikal.

Kate Juri Castañeda/ UB-Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon