Union Bank dala ang UREKA Forum sa paglunsad ng E-Cadet training

LUNGSOD NG BAGUIO – Natulungan ang mahigit sa isang libong Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa inilunsad na sariling e-commerce business sa loob lamang ng 18 months ang Union Bank of the Philippines (UnionBank) na nagdala sa pamumuno ng korporasyon na may social responsibility project, Ureka Forum para sa mga katutubo.

Isinagawa ng UnionBank at Ureka E-Cadet program sa University of the Cordilleras ang nag-iisang E-Cadet program na naglalayong turuan ang mga nasa kolehiyo ng e-commerce at digital marketing sa pamamagitan ng “hands on training” maliban sa training session ng Ureka E-Cadets ay naipares sa “UREKA E-MSME” upang makakuha ng mas maraming suporta para sa tagumpay na lumawak ang kanilang mga negosyo mula sa nag iisa “brick-and-mortar” sa pamamagitan ng paggamit sa online at sa gayon ay maging “brick-and-click”.

Ang Ureka ay nagbibigay ng proposisyon at maniwala na ang E-Cadet training ay makakatulong sa karagdagang matiyak ang pagpapanatili ng 1,051 aktibong MSMEs. At bukod sa paglalantad ng E-Cadets sa isang mas praktikal na ecosystem ng e-commerce, sa inisyatibong ito ay maaari ding makatulong sa mag-aaral na may isang viable source ng kita para sa kanyang kinabukasan.

Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay Genaro Lapez, Ureka, lead proponent & executive vice president ng Union Bank of the Philippines, “it would be an effective tool to empower both the e-MSMEs and now the students to succeed by unlocking the borderless potential of e-commerce.

“SMEs are one of the most capable drivers of growth because of their contributions to various industries. It is for this reason that the Ureka Forum is targeted towards them. We also believe that technology and eCommerce in particular is a great equalizer for this age. We just have to use it as leverage to build a vibrant and resurgent Philippines where economic growth is inclusive.

“With this program, we are involving the students in nation-building through inclusive innovation,” ani Lapez.

Maalaala noong unang ginanap ang Ureka Forum sa Baguio City noong October 2015 na mula noong makumpleto ang Forum sa national pagkatapos ng pagsasagawa sa Iloilo at Davao noong 2016 at kamakailan lang noong February sa Mega Manila Forum. ABN

Amianan Balita Ngayon