“URDANETA CITY MAYOR SUSPENDIDO NG ISANG TAON”

Isang taong suspension ang ipinataw ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan bilang parusa kay Urdaneta City
Mayor Julio F. Parayno III sa paglabag sa dalawang probisyon ng Republic Act 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) bunsod sa reklamong hindi pamimigay ng business permit sa kabila ng pagsunod ng aplikante sa lahat ng rekisito upang magawaran ng permiso upang makapagnegsoyo.

Sinang-ayunan ng Pangasinan SP sa pamamagitan ng Provincial Resolution 958- 2024 na pinirmahan ng 13 SP
members na ibinaba ngayong linggo ang nauna nang kapasyahan ng SP Committee on Good Government and
Accountability of Public Officers, Justice and Human Rights na patawan ng administrative suspension si Mayor Parayno III. Habang pinawalang sala si Parayno III sa kasong paglabag RA 7160 (Local Government Code of 1991),
hindi malusutan ng suspendidong alkalde ang kapabayaang una ring napatunayan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) nang hindi gawaran ng business permit ang REVM Tiposu Poultry Farm Inc. noong 2021 sa kabila nang sumunod naman ito sa prosesong isinasaad ng batas.

Ayon sa tanggapan ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III, hindi na naisalba ng Temporary Restraining Order (TRO) ang isang taong suspension ni Parayno III dahil tinutukoy ng TRO ay pagtigil sa pagdinig ng kaso nya sa SP at ipawalang-bisa ang 90-araw na preventive suspension na naunang nang iginawad noong Setyembre. Naunahan ng
October 14 SP Resolution ang October 16 TRO ng Korte. Samakatwid, wala nang ili-lift na preventive suspension
dahil may Suspension Order na ang SP na 6-buwang suspension dahil sa paglabag ni Parayno III sa dalawang section ng RA 11032. At wala na ring pahihintuing pagdinig dahil nakapagdesisyon na ang SP.

Tila binagsakan na nga ng langit si Parayno III, dahil sinampahan sya ng kasong criminal sa Ombudsman noong
Setyembre lamang nang pagbuhatan diumano nya ng kamay ang videographer ng Pangasinan Information and
Media Relations Office (PIMRO) na gumagampan lang ng trabaho nang isilbi ng Office of the Governor ang 3-buwang preventive suspension nito.

Amianan Balita Ngayon