Ano ang Halal ?
Ang HALAL ay isang katagang Arabik na nanganga-hulugang mabuti o ipina-hihintulot. Ang HALAL ay isang
katagang naglalagay sa anumang paggalaw o pag kilos bilang ipinahihintulot na gamitin o gawin, ayon sa batas
Islamiko hindi tugma sa kaalaman ng nakararami na tanging pagkain lamang ang tinutugunan ng HALAL . Ating bigyan ng paliwanag tungkol sa pagkain HALAL , mismo ang taga paglikha ang dakilang panginoon na si Allah ang
nagbigay mensahe sa sangkatauhan, kanyang sinabi sa banal na Qur’an { O mankind, eat from whatever is on earth [that is] lawful and good and do not follow the footsteps of Satan } 2:168 albaqarah malinaw mula sa salitang ito ay ang pagkaing HALAL ay para sa lahat, ito ay ang pamantayan ng pagkain, ayon sa ipinag utos ng Qur’an [kasulatan ng Muslim].
Ang kasalungat ng HALAL ay HARAM , na nangangahulugang masama o ipinagbabawal. Ang HALAL at HARAM ay pandaigdigang kataga na ginagamit sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang mga katagang ito ay karaniwang ginagamit kaugnay sa mga produktong pagkain. Isa sa dahilan kung bakit mahigpit na ipinaguutos ng taga paglik-ha na tangkilikin ng sangkatauhan ang mga pagkaing HALAL ay dahil sa kalusugan ng bawat tao at mapalayo sa nakapipinsala sa ating kalusugan… Sinabi ng allah sa banal na Qur’an { INNALLAHA RAHEEMON BI’IBADIHI }
God is merciful to His servants {WALA TOLQOU BI AYDEEKOM ILA TTAHLOKAH} And do not throw yourself into destruction with your own hands .
Kung ating kukuhanan ng pamantayan ng mga bihasang doktor na kung saan ay kanilang binabantayan ang
ating kalusugan ay tumutugma rin sa mensahe ng dakilang panginoon na si Allah sa sangkatauhan na kanyang
ipinag-utos ang HALAL na pagkain . Ating silipin ang ilan sa mga sinabi ni Allah na mga pagkaing HARAM na kung
saan ay kasalungat ng HALAL na ang ibig sabihin ay ( masama o ipinagbabawal ) Sinabi ng Allah sa banal na qur’an ; He has only forbidden to you dead animals, blood, the flesh of swine, and that which has been dedicated to other
than Allah.
Sa islam , ang mga bagay na ipinagbabawal lamang ay ang mga bagay na nakasisira o nakakaapekto nakasasama sa
kalusugan buhay o pagkatao ng isang tao , ang dakilang Allah ang walang hanggang nakakaalam ng mga bagay na
nakababatid sa lahat ng makabubuti o makasasama sa kanyang mga nilikha , alam niya ang kahinaan o kalakasan ng
kanyang mga nilikha , kaya kung anoman ang mga bagay na kanyang ipinagbabawal ito ay makakasama o di kaya’y
makakapinsala sa madaling sabi , ito ay HARAM. At kung anoman ang kanyang ipinahihintulot o ipinag-uutos ay ito ay makabubuti sa isang tao at sa madaling sabi ay ito ay HALAL.
Pakahulugan
Sa pangkalahatan ang bawat pagkain ay itinuturing na HALAL sa Islam , malibang ito ay tinukoy na bawal sa Qur’an
o sa Hadith na mula kay propita muhammad p.u.h . Sa opisyal na pakahulugan, ang HALAL na mga pagkain ay yaong mga: Malaya mula sa anumang bagay na ipinagbawal sa mga Muslim na kainin ayon sa batas Islamiko [Shari’ah]. Naproseso, gawa, nilikha, niyari at/o inimbak na gamit ang mga kagamitan, kasangkapan at/ o makinaryang nilinis ayon sa batas Islamiko.
Ang mga Muslim ay kumakain para mapanatiling malakas at malusog ang pangangatawan upang magkaroon ng kakayahang ibahagi ang kanilang kaalaman at pagsisikap para sa kapakanan ng lipunan. Ang mga Muslim ay nararapat na gumawa ng pagsisikap para magkamit ng pinakamainam na kalidad pangnutrisyon. Ito ay nabanggit sa isang Hadith na ang pagdarasal ng isang tao ay hindi tanggap ni Allah kapag ang pagkaing kinakain ay ipinagbabawal [haram].
Konklusyon
Ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon bagkus ito ay isang pamamaraan ng buhay na may pagbabatas, panuntunan at mga kaugaliang nangangasiwa sa bawat aspeto ng buhay. Dahil sa ang pagkain ay mahalagang
bahagi ng pangaraw-araw na buhay, ang mga batas sa pagkain ay nagdadala ng natatanging pagpapahalaga. Ang mga Muslim ay inaasahang kumain para mabuhay, upang mapanatili ang maayos na kalusugan at hindi nabubuhay
para kumain. Sa Islam, ang kumain ay itinuturing na isang bagay na pagsamba sa Diyos katulad ng pagdarasal, pag
aayuno, pagkakawanggawa, at iba pang gawaing pangrelihiyon.
July 6, 2024
July 6, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024