Usaping Covid-19 vaccine, Panagbenga 2021 at iba pa

Tapik ni Tonying

Noong nakaraang Linggo ay ipinaubaya ko ang espasyong ito sa aking kaibigan na isang beteranong manunulat mula sa lalawigan ng Pangasinan, isa sa mga probinsya ng Ilocos Region na “rich vote” na maituturing na isa sa mga pinagaagawan ng mga pulitiko mula sa national position mga senador at bise-presidente hanggang sa pagka president.

Ang aking kaibigan at Manong na si Fred Mabalot mula sa bayan ng Alcala ay maituturing na isang mahusay at kapitapitagang manunulat, Salamat Manong Fred sa mga news feature mo sana ay tuloy tuloy ang iyong pagsusulat sa ating abang peryudiko na Amianan Balita Ngayon sa mga isyu at maiinit na balita mula sa lalawigan ng Pangasinan at kilala rin sa tawag namin na Bagoonglandia..

Congratulation sa San Fernando City,La Union sapagkat inaprubahan na ng local na gobyerno sa pamamagitan ni Mayor Dong Gualberto ang pagbili ng Covid-19 vaccine , Mabuti pa sila o may pambili at maaring maraming taga syudad ng San Fernando ang makinabang ng libre courtesy ng pamahalaan ng San Fernando City. Sa tingin ko ay may nakalaan para sa lahat , ika nga nila “Sana All”.

At sa tingin ko rin may budget ang tanggapn ni Gob. Pacoy Ortega para sa vaccine ng kanyang nasasakupan ganyan magmahal ang gobernadora ng La Union dahil pinanindigan niya ang motto ng pamilya Ortega na “agayayat kadakayo amin”.

Hinggil naman sa vaccine ng Covid-19 marami ang nag-aatubili na magpaturok ng vaccine dahil hindi pa raw ito na “perfect” ng mga dalubhasa kumbaga parang “experimental” pa rin na maaring ikasama ng magpapaturok ng vaccine. Mayroong vaccine na gawa ng Pyzer , moderna gawa sa Russia at gawa sa China.

Isa sa mga kaibigan ko at dating columnist namin sa Amianan Balita Ngayon na si Yam Rodriguez na kasalukuyang nasa Amerika ang nagkwento sa akin na nagpa vaccine siya nitong mga nakaraang lingo ng Moderna at ayon sa kanya medyo kinabahan siya nuong unang 7 days niya after na magpa vaccine siya pero ng lumaon ay naging magaan naman aniya ang kanyang pakiramdam.

So meaning parang mas effective ata ang Moderna dahil halos ng mga kakilala ko na nasa ibang bansa ay ito ang kanilang ginamit na vaccine laban sa Covid- 19.

Subalit sa aking opinion sana hindi ito maging super mahal upang makapag-avail din ang mga poorest of the poor at ang buong Pilipino upang maging ligtas ang lahat at kung ano man ang vaccine na siyang magiging karapat dapat na gamitin para sa mga Pilipino.

Marami sa ating mga kaibigan at kakilala maging mga kamag-anak sa ibang lugar ang nagtatanong kung tuloy nga ba ang pagdaraos ng Panagbenga 2021 na kung saan ay hati ang opinion ng mga tao dahil una takot pa silang lumbas ng bahay upang makisalamuha sa ibang tao.

At hindi rin maitatago na kapag nagkaroon ng Panagbenga dadagsain ang lunsod ng Baguio ng mga turista at malamang na dumami ang magiging kaso ng Covid-19 kapag nangyari ito. Ang iba naman ay may mga suggestion na selected activities na lang ang gawin huwag na yung street dancing at float parade dahil ito ang crowd drawer talaga kumbaga mga activities na maaring may sangkap pa rin ng Panagbenga.

Maging si Mayor Benjie Magalong ay hindi pa rin isinasara ang pintuan ng usaping Panagbenga 2021. Ayon nga kay Andrew Pinero, committee chairman ng media ng Baguio Flower Festival Foundation na may dalawang events lang na gagawin ito ay ang Baguio Bloom at ang Session Road in Bloom subalit aniya ito ay kanila pang ipapaalam sa IATF na siyang magbibigayng guidelines.

Kung sakali aniya ito ay magaganap sa buwan ng Pebrero. Kung tutuusin napakalaking event ito sa lunsod ng Baguio subalit dahil nga sa pandemya ito ay malabo ng maging masaya at makulay ang pagdiriwang ng Panagbenga 2021.