Utos sa AFP, Tapusin na ang mga NPA Rebels!

Grabeng tindi na itong bagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP – TAPUSIN NA ANG NPA REBELS! In short…lipulin na sila. Santa Clarang pinongpino… gabayan mo ang aming bansa baka magkagiwanggiwang ang takbo.

Baka bumangga kami sa buntis, mas delikado. Naku po, inang kong matimtiman…ano kaya ang mga kaganapan kapag ipinatupad na ng military ang utos na ito ni Digong? Hindi kaya lalong magkakagulo, tanong ng mga usyusero. Pero, teka lang, pards…mas maiging busisihin natin ire bago dumami ang maha-high-blood.

Flashback: noong panahon ni dating Pangulong Cory…sabi noon na hindi daw illegal ang Communist Party. Pero huwag lang armado…at yon na ang illegal. Yan ba ang isang rason kung bakit nagkaroon ng lakas ng loob ang ilang kabataan na mahikayat na sumapi sa kumyunistang partido. Kasi, kung hindi ka armado, sabi nila…ay walang illegal.

Pero teka lang, pards…kamakailan, may mga ibinunyag na may mga recruitment diumano sa mga ilang paaralan. Kinumpirma pa raw ito ng mga dating taga-loob ng NPA. Kaya tuloy, marami ang litong-talilong.

Ano ba ang tama at mali? Siguro ang illegal dito, sabi naman ng mga legalista ….ay yong nagpa-recruit na isinapi naman sa armadong rebeldeng NPA. Hmmm,,, medyo may linaw, pards.

Tanong: papano daw makilala ang recruit? May ID ba sila bilang recruit for NPA? Itanong na lang yan sa Intel Brigade ng pamahalaan. He he…ayaw naming sumagot baka suspetsahin kaming may dalang African Swine Flu!

Ngek! Maaring iniutos nga ni Pres. Duterte sa military na tapusin na NGAYON ang communist insurgency sa bansa upang hindi na umano maging problema ng susunod na henerasyon. Yan ang mensahe ng pangulo kamakailan nang siya’y dumalo sa 31st anniversary ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa Quezon City.

Wika niya: “I am telling the military, kindly end it now. We can’t afford to pass it in the next generations. It has to be now. I’m serving notice to everybody that in the coming months, it will be not really bloody, but there will be a little trouble. We have to finish it. Ito namang mga rabble-rouser na kumunista, walang ginawa kung hindi magbola ng tao, promising number one ‘yang land reform.

So ang dapat gawin talaga ng gobyerno is to take away from them the richest issue of them all, land.”

Idinagdag pa niya na mananatili ang land reform program ng gobyerno kahit wala na ang communist movement. Tsk tsk…mabigat ang utos, dighay ng mga nakakaunawa….pero mas mabigat siguro sa mga hindi nakakaunawa.

Mag-rewind tayo, pards, sa mga nakaraang mga araw. Di ba may pahapyaw pa angating pangulo na bibigyan ang mga rebeldeng susuko ng pangkabuhayan, pati tirahan at pwede pang pagbakasyunin sa ibayong dagat. Kaya may sumulpot na tanong: hindi kaya napigtas na ang sinturon ni Digong sa kapapangako na wala namang napapala kaya biglang buwelta…iniutos na niya sa military ang paglipol sa mga rebeldeng NPA?

Sabat ng isang senyor: e, kung yong mga nangingidnap at pumapatay na mga KFR at Abu Sayyaf ay hindi pa nalilipul kahit kakarampot lang sila…ito pa kayang mas marami at may ugat na sa maraming lugal sa buong bansa? Di natin masisisi si senyor baka naging miyembro siya ng Hukbalap (hukbong laban sa mga hapon) noon o kaya’y Katipunero na lumaban sa mga Kastila.

Sana…maresolba ang problemang insurhensiya sa tamang paraan para sa ating salinlahi. Di tayo dapat nagkakawatak-watak kundi nagkakabigkisbigkis. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Daplis Walang Mintis

Amianan Balita Ngayon