Valera, Bernos family patuloy na nangingibabaw sa pulitika ng Abra

BANGUED, Abra – Matapos ang bakbakan ng tatlong pamilyang nag-aagawan para sa mga nangungunang puwesto sa lalawigang ito, napanatili ng mga miyembro ng pamilya Valera at Bernos ang kanilang mga puwesto matapos manalo noong Mayo 9 na halalan.
Si incumbent Bangued Mayor Dominic Valera, na umakyat sa pagka-Gobernador,samantalang ang anaki nitong si incumbent Gobernador Ma. Jocelyn Valera- Bernos, na bumaba sa pagka_bise gobernador ay kapuwa na nanalo sa gubernatorial at vice gubernatorial governor ng lalawigan.
Ang asawa ni Valera, na incumbent Vice Mayor ng Bangued na kumandidato sa pagka-Mayor at anak naman nilang si Joaquin Enrico Valera ay nanalo naman Vice Mayor.
Ang kapatid ni Joy Bernos na si Joseph Domino Valera, ay muling nahalal na alkalde sa bayan ng Pidigan, samantalanag ang kanyang bayaw na si Joseph Sto. Nino “JB” Bernos, isang two-term congressman sa lone district ng Abra na tumakbong walang kalaban-laban bilang Mayor sa bayan ng La Paz.
Ang asawa naman ni JB Bernos na si Menchie, na kasalukuyang alkalde ng La Paz, ang bagong Congresswoman ng lalawigan.
Ang ina naman ni JB na si Esther Bernos ay nanalong Vice Mayor sa bayan ng Danglas, samantalang ang kanyang nitong si Denise Florence Bernos-Bragas ay muling nahalal bilang Mayor sa bayan ng Danglase at ang asawa naman ntong si Russel Bragas ay naging No.1 Board Member sa unang distrino.
Ang pampulitikang tanawin ng Abra ay palaging pinangungunahan ng parehong mga angkan sa pulitika, na ang ilan ay nagsimula pa sa mga nagdaang panahon.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon