Veterans Bank, pinasinayaan kasabay ng WW2 History Wall

Tagumpay na naidaos ang inagurasyon ng ni-renovate na Philippine Veterans Bank Baguio branch kasabay ng pagdiriwang ng ika-72 taong anibersaryo ng pagpapalaya sa Baguio noong April 27, 2017.

Panauhing pandangal si Mayor Mauricio G. Domogan, kasama ang ilang city councilors; nanguna naman sa inagurasyon ng bangko sina PVB president and COO Nonilo C. Cruz kasama sina Area Head North Luzon Leilani S. Francisco at head for Corporate and Consumer Relations, VP Mike Villa-Real.

Bilang pagkilala na isa sa iginagalang na bangko ang Philippine Veterans Park (PVB) ay nananatiling matapat na naglilingkod sa mga kostumer na may pinakamataas na pamantayan ng serbisyo, patuloy na pagpapabuti at kakayanan sa pagbagay sa kanilang pangangailangan at may katiyakang napapanatiling kakayahang kumita at paglago ng banko.

Ang renobasyon ng PVB ay may modernong disenyo na nagpapaalala para sa mga kaganapan ng ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang History Wall ay may apat na panel na litrato at mga kuwento noong World War II sa Pilipinas at may mga naka-display na mga artifacts, paraphernalia at memorabilia mula sa digmaan at may mapapanood rin sa TV monitor na patuloy na ipinapakita sa screen ang dokumentaryo ng WW2 at mga litrato.

Sinabi ni VP Mike Villa-Real, “umabot na sa P50 bilyon ang asset ng Philippine Veterans Bank sa loob ng 25 years na serbisyo simula nang mabuksan ito ay may less than P2 bilyon na ang itinaas kaya nagpapasalamat ako sa mga kliyente namin at maging sa partners namin sa city government ay ito na ang kontribusyon namin na makasama sa mga ganitong pagkakataon na pagdiriwang ng anibersaryo ng liberation.”

“May mga loan available rin kami para sa mga AFP & PVAO pensioners na sa edad na 99 pautangin sa maximum na P100,000 payable up to 5 years na ipagkakaloob natin ito bilang tulong na rin ng Philippine Veterans Park at marami pang kliyente ang maaaring makakuha ng mga loan.”

Ang gusali ng PVB-Baguio na nasa Pine Lake View building, Rizal Park Road 1 corner Otek Street, South Road ay may malaking V sa harap “that is not only a nod to the bank’s stockholders–the over 300,000 Filipino World War II veterans–but also a symbol of the aggressive outlook that the bank has of the city,” ani Villa-Real. ABN

Amianan Balita Ngayon