Tungkul sa pag-alala sa kanya si Allah ang pinakamaluwalhati ay nagwika: Katutuhanan sa pag-alala kay Allah ang mga puso ay nakakasumpong ng kapahingahan. Quran 13:28 Ang mga lalaki na lagi nang nag-alala kay Allah at mga (mapagala-alang) babae na gumagawa ng gayon labis na nag-alala kay Allah sa pamamagitan ng kanilang dila at puso habang nakaupo at nakatayo at nakahimlay at dumadalit ng mga pagpupuri at pagluwalhati sa kanya, sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala, alalaong baga ang paraiso.
Qur’an 33:35 O kayong nagsisisampalataya! Alalahanin ninyo si Allah ng may higit na pag-alala, at luwalhatiin siya sa umaga at hapon, ang pang-umagang pagdarasal o fajr at panghapon pagdarasal. O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong hayaan na ang inyong mga kayamanan at inyong mga anak ay makahadlang sa inyo upang alalahanin lagi si Allah. Kaya ikaw ay maghintay ng may pagtitiyaga sa pasya ng iyong panginoon sapahkat katutuhanan ikaw ay nasa pangangalaga ng aming mga mata at ipabunyi mo ang mga papuri ng iyong panginoon kung ikaw ay magbangon mula sa pagkakatulog , at sa bahagi ng gabi ay ipabunyi mo ang mga papuri sa kanya at sa oras ng paglubog ng mga bituin.
Sa isang mapapanaligang hadith o tradisyun ni propita muhammad s.a.w. ang propita muhammad s.a.w. ay nagsabi , ang katulad ng isa na nakaka alala sa kanyang panginoon kung ihahambing sa isa na hindi naka-alala sa kanyang panginoon katulad ng nabubuhay at patay. Ang propita muhammad ay nagwika rin “Ang mufarridon ay nakakahigit sa iba , ang mga kasamahan ay nagtanong , sino ang mufarridon o sugo ni Allah ? Siya ay nagsabi ,ang mga lalaki na madalas na naka-ala ala kay allah at mga babae na madalas na madalas naka-alala kay Allah.
September 21, 2024
September 21, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
September 29, 2024