Wagi ang dambuhalang komersyal na pagmimina na wasakin ang pagkakaisa ng taumbayan sa barangay Didipio, bayan ng Kasibu sa Nueva Vizcaya. Ilang taga Didipio na nakapaloob sa Didipio Earth Savers Multi-purpose Association (Desama) at taong simbahan sa pangunguna ni Bishop Jose Elmer Mangalinao ang nagsampa ng petition for certiorari sa Bayombong Regional Trial Court (RTC) sa pamamagitan ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) upang ipawalang-bisa ang FTAA001 (Financial or Technical Assistance Agreement-001) ng
Australian-Canadian mining firm OceanaGold Philippines dahil sa umano’y walang naisagawang tunay na konsultasyon sa apektadong mamamayan.
Nagsimulang maghayag ng pagtuligsa, pagsalungat at protesta ang grupong Desama dalawang dekada na ang
nakakaraan ukol sa masamang epekto ng open pit mining operations ng OceanaGold Philippines sa Didipio. Kabilang sa mga isyung ipinupukol kontra sa open pit mining operations ang masamang epekto nito sa kabuhayan ng mga higit na nakararaming mamamayan na pawang mga magsasaka lamang, bilang pambansang minorya at ng
pagkabusabos ng kapaligiran. Nagwaging i-renew ng OceanaGold Philippines ang FTAA nito lamang nakaraang taon, bagay na hinihinalang may kababalaghang nangyari sa prosesong dinaanan.
Muling isinantabi ng pamahalaan ang mga hinaing ng mga tumutuligsa sa dambuhalang pagmimina at ang Nueva Vizcaya provincial ordinance kontra sa open pit mining. Ngunit mismong ang Punong Barangay ng Didipio’y naglabas ng pahayag ng pagsuporta sa operasyon ng OceanaGold Philippines. Ayon kay PB Henry D. Guay, karamihan ng mamamayan ng Didipio ay sumusuporta sa pagmimina at hindi niya maintindihan bakit pa
inuungkat ng mga “taga Maynila” ang mga isyung wala namang basehan. Nanawagan din siyang hindi dapat sila ginugulo sa kanilang lugar.
Ayon pa sa Punong Barangay, todo suporta sila sa operasyon ng OceanaGold Philippines dahil sa dulot nitong benepisyo sa lugar at naiparating nila hanggang sa Malacanang ang pagsuporta dito. Sa ganitong pagkabiyak ng
komunidad ng Didipio sa isyung open pit mining operations ng OceanaGold Philippines, sino ang nagwagi at nabigo? Interes ng malaking pagnenegosyo o interes ng mamamayan at kapaligiran?
May 11, 2024
May 11, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024