Walang Demolisyon sa Loakan Airport- Magalong

BAGUIO CITY – Mariing tinanggi ni Mayor Benjamin Magalong na wala siyang inuutos na demolisyon sa mga kabahayan sa buffer zone ng Loakan Airport.

Nilinaw ni Magalong ang nasabing usapin nang siya ay humarap sa naganap na Council meeting noong nakaraang Lunes sa konseho.

Kamakailan lamang aykumalat diumano ang isang “order” na nag-uutos ng isang malawakang demolisyon sa naturang lugar.

Paliwanang ng mayor ang kautusan ay ang pagkalap lamang ng mga datos para malaman ang mga istruktura o gusali na nasa loob ng buffer zone. Ang kautusan ay para malaman kung ang mga bahay/gusali ay may titulo o wala dagdag pa ng alkalde.

Ang isinagawang pagkalap ng datos ay napapaloob sa Proclamation No. 1358, Series 1974 na pinirmahan ni dating President Ferdinand Marcos-“RESERVING FOR AIRPORT PURPOSES OF THE CIVIL AERONAUTICS ADMINISTRATION CERTAIN PARCELS OF LAND OF THE PUBLIC AND PRIVAT DOMAIN OF THE GOVERNMENT SITUATED IN THE CITY OF BAGUIO, ISLAND OF LUZON.”

Nabatid ng konseho na sa bilang na 110 residente, may 43 lang ang may “legal” na titulo batay batay sa nakalap na datos. Batay deklarasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang buffer zone ng Loakan Airport ay dapat may lawak ng 75 metro bawat magkabilang panig para sa kaligtasan ng pag landing at pag take off ng mga eroplano.

Dekada, ang lungsod ay tinutulak ang pagbubukas ng airport para sa mga commercial flights para mapalakas lalo ang ekonomiya at pag turismo ng ciudad na tinaguriang –Summer Capital.

Matatandaan na naipatayu ang Loakan airport noong 1934.Malaki ang nagampanan ang airport sa “relief operations” dulot ng trahedya ng lindol noong 1990.

Duell Weygan/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon