Walang tigil-pasada sa Baguio, Benguet

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Tuloy pa rin ang negosyo para sa mga operator at driver ng public utility jeepney sa Baguio at Benguet na minabuti nilang huwag sumama sa pamabansang tigil-pasada noong Lunes.

Sa isang text message na ipinadala sa media umaga ng Lunes ay sinabi ni Pat Evangelista, president ng United Metro Baguio-Benguet Transport Operators and Drivers Federation, Inc. (UMBBTO) na “hindi kami sasama sa jeepney strike ngayon (Lunes).”

Ang grupo ay binubuo ng dalawang maor jeepney associations-Federation of jeepney operators and drivers association in Baguio, Benguet and La Union (FEJODABBLU) at ng UMBBTO.

Mayroon silang 35 asosasyon na nagsisilbi sa Baguio, Benguet at La Union bilang aktibong miyembro ng grupo.

Habang mayroon silang parehong ipinaglalaban kasama ang mga ibang transport groups sa ibang lugar sa bansa, hindi sumama ang grupo sa pambansang tigil-pasada sa tatlong dahilan.

Una, ang mga mananakay ang talo sa huli dahil sa tigilpasada ay mahihirapan silang makarating sa kanilang paroroonan. Gayundin, hindi kikita ang mga driver at operator sa araw na iyon.

Binanggit niya ang dalawang major associations kung saan ang mga sasakyan ay nag-ooperate lamang tuwing ikalawang araw, ibig sabihin dalawang araw na walang kita para sa ilang miyembro habang ang iba ay walang kikitain kapag hindi nag-operate.

Panghuli, naniniwala sila na ang kalye ay hindi ang tamang lugar. “We have filed before the Supreme Court a petition for an injunction on the implementation of the jeepney modernization aside from the initiative at the Senate to revise the modernization program. We are hopeful that the legal means we are doing will be acted upon prior to the June 2020 implementation, “ ani Evangelista.

Niliwanag niya na kahit hindi sila sumama sa nationwide strike ay hinayaan nila ang desisyon sa mga indibiduwal na franchise owers kung sasama sila o hindi.

“Franchise naman nila ang apektado kaya nasa sa kanila ang desisyon,” aniya. Sinabi niya na hindi sila lubos na kontra sa panukalang jeepney modernization program.

Binanggit ni Evangelista na tutol sila sa consolidation system na ipinanukala at halaga ng mga modernong unit na masyadong mahal para sa kanila.

Sinabi rin niya na sa Baguio at Benguet ay nasa mas mabuting komdisyon ang mga PUJ kumpara sa ibang mga lugar.

“The roadside inspection and monitoring of vehicles here is strictly implemented,” aniya. Ang isa pang grupo na konektado sa Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ay nagsagawa ng mapayapang protesta sa regional Land Transportation Office (LTO).

Nag-isyu rin ang Baguio City Police Office (BCPO) ng isang advisory na nagkakansela ng number coding para sa lahat ng public utility vehicles na amy plakang nagtatapos sa 1 and 2, bilang back-up plan na nagpapahintulot sa kanila na magbigay serbisyo sa transportasyon sakaling itigil ng mga PUJ ang kanilang operasyon.

Ilang sasakyan ng pulis ang itinalaga sa buong lungsod upang magbigay ng libreng sakay sa publiko. Sinsupinde ni Mayor Benjamin Magalong ang mga klase mula pre-school hanggang elementarya upang maiwasan ng mga mag-aaral na maglakad mula bahay hanggang paaralan at pabalik sa bahay.

 

PNA/PMCJr.-ABN