WALL-WALAN SA DAGUPAN DINALUHAN NG BAGUIO ARTIST

DAGUPAN CITY, Pangasinan

Sa pagtatapos ng Galila Arts Festival sa Dagupan City ay ginanap din ang Wall-Walan Finale, na nilahukan ng Baguio Arts and Crafts Collective, Inc (BACCI), Baguio Tourism Office, Pasa-Kalye Group of Artists at Tam-Awan Artist noong Marso 19. Ang Wall-Walan ay isang aktibidad na magtitipun-tipon ang mga artists upang pintahan ang mga pader bilang “bonding” at pagbibigay-pugay rin sa nasabing Arts Festival.

Ibinahagi ng mga Baguio artist ang kanilang talento sa larangan ng pagpipinta, kabilang ang iba’t ibang local artists mula sa Cavite, NCR, Visayas at iba pang lugar na nakilahok sa pagpinta ng mga
pader sa DSWD Ruins. Ayon kay Baguio artist Femy Lamis, “We are given two wall spaces and impromptu yong mural concept, so most na ginawa namin are florals because I think Baguio is where Panagbenga is celebrated.” Pahayag pa nito na marami raw silang nakilalang kapwa artist at masayang naranasan niya ang Wall-walan.

Keith Anne Sajor-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon