WANTED EX-COP SA RAPE, NATIKLO NA

BAGUIO CITY – Makalipas ang halos 15 taon na pagtatago, natiklo na ng mga tauhan ng Baguio City Police Office, ang isang dating pulis na suspek sa pangagahasa,mula sa kanyang pinagtataguan sa bayan ng Lipa, Batangas.
Para sa katarungan sa biniktima nitong panggagahasa, a former police officer who went rogue and now included in the list of the Department of the Interior and Local Government’s (DILG) most wanted personality was captured by Baguio City Police in Batangas.
Kinilala ni BCPO Director Col.Allen Rae Co, ang nadakip sa bisa ng warrant of arrest na si Ronald Salcedo Olarte, noong Marso 2 sa Balintawak Road, Lipa City, Batangas.
Ayon kay Co, si Olarte ay nasa talaan ng DILG’s Top Most Wanted Person of Cordillera Autonomous Region (CAR), na may monetary reward na P135,000.00. Napag-alaman na si Olarte na dating pulis ay inalis sa listahan ng PNP noong Pebrero 2006 at nagtago matapos kasuhan ng Incestuous Rape noong Enero 1, 2006 sa sala ni Judge Iluminda Cabato of Branch 59, Baguio City.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Co sa kanyang mga tauhan at sa Batangas PPO at PRO-CALABARZON na tumulong sa pagdakip sa suspek.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon